Kabanata 3

1.8K 82 28
                                    

"Naku, alam mo namang kapos na tayo sa pang araw araw ay gusto mo pang magdagdag ng alagain dito sa bahay." Sabi ni Tiya Milet nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pakikituloy ni Jackson dito sa bahay, "Eh, ano pa nga bang magagawa natin sa batang iyan? Hala sige, dito na lang muna siya. Sana lang ay hindi loko-loko." Sabi pa niya sa akin.

Napatingin ako kay Jackson na hanggang ngayon ay mahimbing na natutulog. Siguro ay nagbabawi lang dahil pansin ko naman na kulang siya sa tulog.

Bandang alas otso ng gabi nang gisingin ko si Tisoy, Gibo at si Jackson para kumain ng hapunan.

"Jackson, iho. Tawagin mo na lang akong Tiya Milet." Sabi ni Tiya sa tahimik na si Jackson.

Tumango si Jackson at muli ko na namang nakita ang mapuputi niyang ngipin dahil sa pagngiti niya, "Pasensya na po talaga sa inyo, Tiya Milet. Di bale, kapag nakaipon po ako ay maghahanap ako ng ibang makakatulong, sa ngayon ay sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo." Sinserong sabi ni Jackson kay Tiya.

Napabuntong hininga si Tiya, "Oh siya, mukha ka namang mabait. Sana ay huwag kang magaya sa ibang kabataan diyan ha? Kahit mahirap tayo dito, huwag kang gagawa ng masama, okay?" Malumanay na sabi ni Tiya kay Jackson at pagkatapos ay saka naman ako binalingan ng tingin.

"Hetong si Boninay, siya ang magiging Ate mo ha?"

Muking tumango si Jackson, "Salamat po talaga."

Ngumiti si Tiya, "Sige na, oh.. Tisoy, Gibo, kumain na din ha?"

Sabay sabay kaming kumain para sa hapunan. Asin man ang ulam pero sapat na iyon para sa panawid gutom man lang.

Nagpatuloy ang aming buhay, napakabait ni Jackson sa amin at tunutulong siya kay Tiya sa pagtitinda ng kandila sa harapan ng simbahan, ako naman ay nagbebenta ng mga kendi at mga rosaryo, si Tisoy at Gibo ay tuloy pa rin sa kanilang pag aaral.

Halos dalawang buwan na naming nakakasama si Jackson at pansin ko na medyo nasasanay na siya sa buhay na mayroon kami.

"Miyumi, kumain ka na?" Tanong sa akin ni Jackson nang bandang tanghali.

Sa dami ng suki ko kanina ay nakalimutan ko na ang pagkain ko.

"Hala, nakalimutan ko.. Ngayon pa lang ako kakain." Sabi ko sa kanya, binilang ko ang pera sa lalagyanan at aabot na iyon sa isang daan.

Kumuha ako ng benta at bibili na sana ako sa tabing tindahan nang umupo si Jackson sa tabi ko habang hawak ang isang plastik na naglalaman ng ulam na sa tingin ko ay dinuguan.

"Oh, mahal iyan ah? Binigyan ka ni Tiya ng pera?" Kunot noong tanong ko.

Umiling siya at saka ngumiti sa akin, "Nagbarker ako, aka singkwenta pa ako." Astig na sabi niya. Sa mura niyang edad ay pansin ko na ang pagiging matikas niya.

"Oh, naku.. Eh, sinabihan ka na ni Tiya na delikado sa daan, ah?" Paalala ko sa kanya.

"Oo pero...." Napakamot siya sa ulo niya, "Kasi kinausap ko na si Tiya kagabi at sinabi ko sa kanya na mag iipon ako dahil gusto kong makapag aral sa susunod na taon. Kaya hayun at pumayag na rin siya." Sabi pa niya.

Napahinga ako ng malalim at saka ginulo ang buhok niya, "Ikaw talaga bunso.. Di bale, tutulungan kita sa ipon ipon na iyan." Sabi ko pa sa kanya.

Napansin kong parang natatawa siya sa akin.

"Hmm.. Anong nakakatawa aber?"

Umiling siya na tila ba iniiwasan ang pagtawa, "Hindi naman ako bunso, eh.. Haha!"

Piningot ko ang tainga niya nang dahil sa gigil ko sa pagka kyutan niya.

"Huwag ka nga! Bunso ka dahil sa ating apat nila Tisoy at Gibo ay ikaw ang pinakabata." Sabi ko pa na ikinasimangot niya, napatawa na ako ng tuluyan bago muling magsalita, "At saka, nagpapasama ka pa kila Gibo at Tisoy na magpatuli sa susunod na buwan diba?"

Nanlaki naman ang mata niya nang marinig niya ang sinabi ko, "Paano mo nalaman iyon?"

Tumawa muli ako, "Ako pa ba."

Sinamahan ako ni Jackson na kumain. Bale, siya ang nagbebenta ngayon ng mga rosaryo at kendi habang ako ay kumakain sa tabi.

"Miyumi.."

Tumingin ako sa kanya at nakita ko na seryoso ang mukha niya.

Ewan ko ba sa batang ito at sa edad niyang iyan ay pansin ko na matured na rin siya mag isip hindinkatulad ng ibang bata na kasing edadran lang niya.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng crush?" Tanong niya sa akin.

Namilog naman ang mata ko, "Bakit mo naman tinanong?"

Kinamot niya ang labi niya bago magsalita, "Eh kinausap ako nung kaibigan ni Bonjing na si Edgarine, 'yung bakla? Crush niya raw ako?"

Hay nako, sinabihan ko na iyan si Bonjing na sabihan si Edgarine na tigilan ang pangungulit kay Jackson.

"Ah, basta, huwag mo ng pansinin si Edgarine."

"Pero, ano nga ulit yung crush?" Tanong pa niya na tila nangungulit.

"May nagugustuhan ka na bang babae?" Tanong ko naman sa kanya.

Napaisip siya at saka dahan dahang tumango. Mas lalo lang akong nakyutan sa kanya.

"Ang crush, mararamdaman mo iyan kapag gusto mo na ang isang tao. 'yung para bang hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo siya nakikita? Ganun." Sabi ko pa.

Tumango-tango naman siya habang nakatitig sa akin.

"Ikaw ha!" Muli kong kinurot ang kaliwang tainga niya, "Bata kapa ay puro crush na iyang nasa isip mo."

"Bakit pala palagi kayong nag uusap ni Cedrick? Tapos, binigyan ka pa niya ng bulaklak kagabi?"

Napahinto ako nang marinig ko ang tanong niyang iyon.

Isang linggo na kasi akong nililigawan ni Cedrick. Hindi naman ako pumigil pa dahil nakakatulong rin naman siya sa amin. Minsan nga ay nakakalibre pa kami ng ulam sa kanila.

Ngumiti ako at saka hinalikan ang pisngi ni Jackson, "Wala iyon." sambit ko.

Pansin ko ang muling pagseryoso ng mukha ni Jackson.

Reyna Ng Puso KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon