"AGAIN thank you for calling Index, This is Miyumi and have a wonderful day!" Ang sabi ko sa customer na kausap ko mula sa kabilang linya.
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos na ang shift ko para sa araw na ito. 11 PM hanggang 8 AM ang shift ko, lunes hanggang biyernes.
Kinuha ko na rin ang oportunidad na ito na habang nagtatrabaho sa gabi ay nag aaral naman ako tuwing umaga. Sa ngayon ay pitong buwan na akong nagtatrabaho bilang Call Center Agent.
Ang kinukuha ko namang kurso ay Accountancy, dalawang taon pa ang bibilangin bago pa ako maka graduate. Dahil nga, mabuti nga ay nakapasa ako sa ALS para kahit papaano ay makahabol ako sa taon ng pag aaral.
Labing isang taon na ang nakalipas nang maibalik namin si Jackson aa magulang niya. Ilang buwan lang matapos nang araw na iyon ay namatay si Tiya Milet dahil hindi na kinaya ng katawan niya ang mga sakit na dumapo sa kanya.
Ang kapatid ko na sina Gibo ay maagang nagkapamilya, sa edad na labing pito ay nagkaanak siya sa kanyang girlfriend na si Janice, magkasama sila ngayon sa bahay na naipundar nilang mag asawa. Hindi na rin pala nakatapos ng pag aaral si Gibo dahil mas pinili. na lamang niya na magtrabaho para masuportahan ang mag ina niya.
Si Tisoy naman ang kasama ko sa bahay. Wala naman akong problema sa kanya dahil nakatuon naman siya sa pag aaral niya ng Information Technology. Ga graduate na nga siya ngayong taon at masayang masaya naman ako para sa kanya.
Wala akong naging balita na kahit ano patungkol kay Jackson dahil simula nang makuha namin ang pera na binigay ni Vice Mayor Aivan sa amin ay lumipat kami ng tirahan sa Laguna, at hanggang ngayon ay nasa Laguna pa rin kami.
"Uuwi ka na, Miyumi!? Sama ka naman sa amin!" Sabi ni Rex sa akin na ka team at kaibigan ko sa aking trabaho.
Umiling naman ako bilang tugon, "Kung wala sana akong pasok sa school mamaya ay sasama ako." Sagot ko pa.
Tumango-tango siya, "Naiintindihan kita. Oo nga pala at nag aaral ka pa. Sige, next time ha. Sasama ka." Sabi pa niya sa akin.
"Oo naman."
Alas otso ng umaga ang tapos ng shift ko at mamayang alas dos hanggang alas siyete ng gabi naman ang pasok ko sa eskwelahan.
Malapit lang naman ang bahay namin sa eskwelahan na pinapasukan ko, kaya hindi naman problema sa akin ang pagpasok ko sa school araw araw.
Katunayan ay kakasimula lamang ng ikalawang semester noong nakaraang linggo kaya medyo wala pa masyadong ginagawa sa school.
Nang makauwi ako sa bahay ay naabutan ko si Tisoy na malapit nang pumasok sa kanyang klase.
"Ate... Pahinga ka na muna, mamayamaya pa naman ang klase mo." Sambit niya sa akin.
Tumango ako at iniabot sa kanya ang baon niya para mamaya, "Baon mo, mag aral ka ng mabuti ha." Sabi ko, ibinaba ko ang bag ko sa upuan at saka nagtuloy tuloy sa paghiga ko sa kama. "Matutulog lang muna ako saglit. Maaga pa naman para sa klase ko. Mag ingat ka ha."
"Oo, Ate." Sagot naman ni Tisoy.
Mabilis naman akong nakatulog dahil kanina pa talaga ako inaantok.
Nag alarm naman ako sa CP at bandang Alas dos ng hapon nang magising ako nang dahil sa alarm.
Naligo ako at nagbihis ng school uniform. Ganito ang buhay ko araw araw. Sa hirap ng buhay ay kailangan kong masanay para maipagpatuloy ang buhay.
Hindi ko naman sinisisi si Tiya Milet sa kung ano man ang buhay namin ngayon dahil simula pa lang naman sa una ay salat na kami at kapos sa buhay.
Hanggang ngayon naman ay hindi ko pa rin alam kung sino ang tunay kong mga magulang dahil siyempre hindi ko naman talaga tunay na kadugo si Tiya Milet, sila Tisoy at pati si Gibo.
"Miyumi?! Hello?!"
Narinig ko na naman ang malakas na boses ng kaibigan kong si Bonjing.
Oo nga pala, dito na rin nanirahan sa halos kalapit na bahay na tinitirhan ko sila Bonjing dahil mas mura ang upa nila dito at medyo mas maayos ang tinitirhan nila ngayon kaysa sa dati.
Tuloy tuloy pa rin ang pagkakaibigan naming dalawa, Iyon nga lang ay iba ang kursong kinukuha ng kaibigan ko.
Secondary Education kasi ang kinukuhang kurso ni Bonjing.
Binuksan ko ang pintuan at agad na sumalubong si Bonjing.
"Miyumi.. May balita ako sa'yo.." Agad na sabi ni Bonjing pagkabukas ko ng pintuan.
"Ano iyon?" Kyuryos na tanong ko sa kanya.
Ipinakita niya sa akin ang screen ng cellphone niya.
Nang matitigan ko ay FB Account iyon ni Jaxs Gonzales.
Napalunok ako.
"Friend na kami sa facebook. In-accept niya na rin ako sa wakas! Ano, i-pm ko na ba para maalala niya tayo?" Ani Bonjing.
Nakatitig pa rin ako sa kanyang profile. Sa sobrang busy ko, ni hindi ko man lang nai search sa facebook si Jackson. Kaya, ngayon ko lang talaga nakita ang profile niya.
"Model pala siya ng sikat na clothing company. Mayaman na mayaman na talaga si Jackson..." Anas ko nang makita ko ang iba pang mga larawan.
"Hindi ka pala talaga updated sa kanya, mother? as in, pagod na pagod ka talaga everyday ano?" Natatawang sabi niya sa akin.
Tumango ako.
"Alam mo naman ako, full time call center sa gabi at student sa umaga. Tulog na lang talaga ang pahinga ko."
Naglalakad na kami patungo sa aming university. As usual, siyempre sobrang dami ng mga estudyanteng naglalakad pauwi at papasok sa paaralan.
Hindi kami magkaklase ni Bonjing dahil iba ang kurso niya sa kurso ko. Kaya nang maka akyat ako sa aking room ay mag isa na lamang ako.
Nakaupo ako sa aking silya nang mapansin ko na papalapit sa akin si Niña na kaklase ko. Siya ang Representative ng aming klase sa council.
"Hi Miyumi, inform lang kita na may welcome party para sa ating lahat mamaya kaya wala tayong mga klase ngayon." Sabi niya sa akin.
"Sige, salamat. Anong oras ba?" Tanong ko sa kanya.
"4PM pa naman."
Agad kong tinext si Bonjing para magkita kami sa canteen ngayon.
Bonj, Kita tayo sa canteen. Wala namang klase. Welcome Party daw.
Habang naglalakad ako sa quadrangle na patungo sa canteen ay napansin ko ang isang lalaki nakaupo sa bench habang nagbabasa ng libro.
Ilang beses pa akong napapikit para kumpirmahin kung tama nga ba ang nakikita ko pero hindi ako pwedeng magkamali.
Si Jackson...
BINABASA MO ANG
Reyna Ng Puso Ko
RomanceJust because the past is painful doesn't mean the future will be. Sequel of Prince Of The Womanizers