Kabanata 2

2.1K 89 24
                                    

"Gibo... Kamusta ang school? Nasaan si Tisoy?" Tanong ko sa kanya nang makita namin siyang naglalakad palabas ng paaralan.

Lumingon siya at tinuro si Tisoy na pawisan habang naglalakad palabas ng classroom nila.

"Kabilang po kasi siya sa cleaners ngayong araw, Ate.." Sagot niya sa akin.

Tumango ako, "Hmmm." Binalingan ko ng tingin si Jackson na ngayon ay nakatingin sa mga estudyanteng naglalakad sa loob ng paaralan. Napansin ko rin ang paghinga niya ng malalim na tila ba mayroong malalim na iniisip.

Nang makarating si Tisoy sa kinaroroonan namin ay saka ko ipinakilala si Jackson sa kanila, "Tisoy, Gibo... Heto, siya nga pala si Jackson." Sabi ko sa dalawa sabay baling ng tingin kay Jackson na ngayon ay nakangiti.

"Jackson, Heto si Gibo," Sabi ko kay Jackson sabay turo kay Gibo. Muling ngumiti si Jackson at nakipag shakehands pa kay Gibo.

"Hi, sana maging magkaibigan tayo." Sabi ni Jackson kay Gibo.

Tumingin naman ako kay Tisoy, "Tisoy, siya si Jackson."

Inilipat ni Jackson ang kayang tingin kay Tisoy. Tila wala namang magiging problema sa tatlo dahil sa tingin ko ay magkakasundo naman sila.

Habang naglalakad kami pauwi ay binulungan ako ni Bonjing, "Hindi ka ba nahihiwagaan diyan kay Jackson?"

Kumunot ang noo ko at napatigil ng sandali mula sa paglalakad, "Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ako naniniwalang galing siya sa ampunan. Tingnan mo nga, iyong damit na suot suot niya, diba pangmayaman 'yang penshoppe na iyan? At saka tingnan mo, 'yung kutis niya, parang laging nasa lamig, ano nga bang tawag don?" Tanong niya pa.

Napaisip naman ako, "Ah, aircon?"

Tumango siya, "Oo aircon, at saka feeling ko talaga anak mayaman iyan. Ganito, may sasabihin ako sa iyong plano." Seryosong sabi niya.

Muling napakunot ang noo ko, "Ibenta natin kay Fren, 'yung nagbubugaw sa may San Vicente? Ano?"

Mabilis kong kinotongan si Bonjing, "Subukan mo lang, Bonjing na bakla! Patay na patay ka sa akin!"

Napakamot naman siya sa kanyang ulo, "Ikaw naman, nagsa-suggest lang."

Nang makarating kami sa bahay ay nagpahinga na rin sina Gibo at Tisoy habang si Bonjing naman ay nauna nang umuwi sa kanila.

Si Jackson ay tahimik na nakaupo sa isang tabi na tila nahihiya. Mukhang hindi nga siya sanay sa lugar na ito.

Matatagpuan kasi ang bahay na tinutuluyan namin sa ilalim ng tulay at alam ko naman na pinapakiramdaman niya ang bahay jung bibigay ba o hindi.

"Jackson, magpahinga ka na muna. Huwag ka munang mamroblema ha? Akong bahala kay Tiya Milet mamaya kung paano ko sasabihin sa kanya na dito ka na muna makituloy."

Tumango naman siya at napabuntong hininga, "Salamat talaga, Boninay."

Ngumiti ako at saka ginulo ng bahagya ang kanyang buhok, "Sige na, magpahinga ka na muna."

Iyong unan na para sa akin ay ipinahiram ko muna sa kanya at dahil wala naman kaming kama at tanging karton lang ang nagsisilbing kama namin sa tuwing matutulog ay ipinahiram ko na rin sa kanya ang karton na tinutulugan ko.

Lumabas ako saglit ng bahay para bumili ng asin sa kalapit na tindahan. Iyon na lang muna ang iulam namin mamaya. Mukhang gagabihin na naman ng uwi si Tiya dahil matumal ang bentahan ng kandila sa araw na ito. Wala naman kasing misa sa simbahan dito ng miyerkules.

"Hi, Miyumi."

Lumingon ako kay Cedrick na kapitbahay namin at isa sa mga siga sa lugar namin.

Nasabi kong siga dahil takot sa kanya ang marami. Ang tatay niya kasi ay President ng samahan dito sa lugar namin, siga dahil mahilig mapasali sa away ng mga kabataan dito sa lugar namin.

Sumimangot ako bago magsalita, "Pabili po.. Limang pisong asin."

"Uy, Miyumi.. Pansinin mo naman ako."

Umirap ako bago ko siya muling nilingon, "Ma, pabili daw ng asin si Miyumi." Ani Cedrick nang lumabas ang mama niya.

Sila Cedrick ang may ari ng tindahan. Sa lahat ng pamilya at tao na nakatira dito sa ilalim ng tulay ay sila lang ang mayroong medyo maayos na pamumuhay dahil sila lang ang mayroong kuryente at sariling banyo sa loob.

Kami kasi, sa ilog pa naliligo at kapag mayntawag ng kalikasan ay makikipila pa sa nag iisang banyo na mayroon kami dito sa ilalim ng tulay at iyon ang pinaghahatihatian ng mga nakatira dito.

"Ilang taon ka na nga ulit, Miyumi?"

"Mag-eleven na. Bakit?" Tanong ko pa.

"Sungit mo talaga," Sabi pa niya, "Balita ko may dinala kang baby boy sa bahay niyo ah? Ano iyon? San mo napulot?"

"Hindi ah, makikituloy lang siya." Sagot ko pa.

Panigurado ay galing na naman kay Bonjing ang tsismis na iyon.

"Sus, oh basta, sa susunod na linggo ay birthday ko na. Pang fifteen ko na, punta ka ah?"

Tumango ako, "Oo, pupunta kami."

"Yon, sige. Aasahan ko iyan."

"Boninay, ito na ang asin." Sabi ng Mama ni Cedrick, "Sige na, huwag mo ng bayaran. Ngayon lang ha." Sabi pa niya.

Napangiti ako, "Maraming salamat, Ate Maribel."  Sabi ko sa kanya.

"'Yon ngumiti na naman siya." Ani Cedrick at saka sumipol, " Aniya pa, sinabayan niya ako sa paglalakad pabalik sa bahay, "Basta ha. Pumunta ka sa birthday ko."

"Oo na.." Sabi ko pa, "Bakit ka nakasunod sa akin?"

Ngumisi s'ya at saka nagsalita, "Titingnan ko lang kung gwapings ba talaga iyang nabingwit mo sa daan. Baka mamaya ay maging kaagaw ko pa iyan sa iyo." Saad niya sabay kindat.

"Papansin ka no? Eight years old lang 'yung bata."

Nasa may harapan na kami ng bahay nang makita ko si Jackson na nakahiga pero mulat pa rin ang mga mata.

"Hoy bata! Tumingin ka nga sa akin." Ani Cedrick.

Akmang babatukan ko si Cedrick pero mabilis iyang nakaiwas, "Baliw ka. Huwag mo ngang takutin si Jackson."

"Ah, Jackson ang pangalan." Sabi pa niya, "Jackson. Huwag na huwag kang magtatangkang ligawan ang babaeng to ha?" Pagtatangka niya kay Jackson. 

"Eh, ano ba 'yung ligaw?" Inosenteng tanong ni Jackson kay Cedrick.

"H'wag mo ng tanungin, bata... Tinitigasan ka na ba ha?" Tanong pa ni Cedrick.

"Cedrick, ano ba?! Alis na!"

"Huh? Tinitigasan?" Tanong pa ni Jackson.

"Huwag kang magtatangka dito sa babaeng ito ha? Aasawahin ko pa 'to."

"Cedrick!" Sigaw ko at saka ko siya tinulak paalis, "Alis na sabi!"

Ngumisi siya at saka ako pahapyaw na hinalikan sa pisngi, "Love you babes."

"Ano ba?!"

Mabilis kong sinara ang hindi matibay na pinto at saka iyon ni lock. Kahit kailan talaga si Cedrick, pahamak!

"Jackson, pasensya ka na ha. Papansin lang talaga ang isang iyon." Sabi ko sa kanya, "Sige na, magpahinga ka na. Nandito lang ako."

Reyna Ng Puso KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon