Chapter 1

7 1 0
                                    

-Zannaiah's POV.-

Nandito ako ngayon sa school. First day na first day ay may nakabangga na agad akong baliw! 

Argh!!! Nakakainis ang Priamn na yon! Aksidente nga yon e! Kap-hal ng mukha mo!

Naglakad ako at nagpunta sa room ko. Alam ko na ang room ko dahil medyo naglibot ako dito last enrollment.

Naupo agad ako sa dulo,dahil allergic ako sa mga fake friend. HAHAHA. Seryoso, may mga friends ako noon pero peke sila. PLAS-TIC. kaya allergic ako. HAHAHA.

8AM ang umpisa ng klase dito at may thirty minutes pa akong maghihintay sa professor namin. Tumingin na lang ako sa bintana dahil nasa tabi ko rin naman ito.

"Hi, pwede bang makipagkilala?" narinig ko ang boses ng isang lalaki.
Tinignan ko lang siya at

"Ge." sabi ko nalang.

"Ako nga pala si Dherison, ikaw anong pangalan mo?"

"I'm..." pabitin kong sagot

'I'm?" tanong niya.

"I'm not interested." sabi ko at naiwan siyang nakanganga. Kakamot kamot ulong napabalik siya sa upuan niya.

Tumingin muli ako sa labas ng bintana habang naghihintay sa prof namin. Maya-maya pa ay biglang umingay ang paligid.

"Ayan na siya!"

"Oh my God! He's our classmate."

"Ang gwapo niya!"

"Ang gwapo din ni Seathiel!"

"OMG! Kaklase natin ang dalawa!"


Hindi ko pinansin ang mga yon at itinuon ang tingin sa mga halaman sa labas. Maya maya pa ay mas lalong umingay sa classroom.

"Oh My God! Priamn! Oh!"

What the ef?! Did I heard right?

"PriamnAng gwapo mo!"

"Seathiel, be mine!"

"seathiel ang gwapo mo!"

"I love you Priamn."

Tinignan ko ang harapan ng room namin at papasok si Priamn kasama ang isa pang tinatawag na Seathiel.

"Oh my God!  Lalapitan ako ni Baby-Priamnnnn!" parang kinikiliting usal ng kaklase ko.

"Lalapitan din ako ng asawa kong si Seathiel."

Nakatingin lang ako sa labas at walang pakealam sa nangyayari sa paligid. Nawala na naman ako sa mood dahil nandito ang Priamn nayon!


Nagulat ako ng biglang may kumalabag sa arm chair ko. Napatingin ako doon at napanganga ako ng makitang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Marrying Mr. Dwight Where stories live. Discover now