Chapter 4

7 1 0
                                    

-Zannaiah's POV-

Nandito parin ako sa loob ng room dahil nagkaklase pa kami. Sa kasamaang palad, partner kopa ang bwisit na Priamn. Pwede naman na iba nalang e.

Wala akong Magawa dahil nabunot talaga kami as partners. Hindi sadya yon.

Mabilis na natapos ang discussion at umalis na ang prof namin. Maya maya pa ay dumating na ulit ang bagong prof.

DISCUSS.

DISCUSS.

LUNCH BREAK.

Mabilis akong nag-ayos ng gamit at tumayo. Nilampasan ko si Priamn pero bigla siyang nagsalita.

"Sabi ng Dad mo ay sabay na daw tayong maglunch, umuwi o kahit ano pa simula ngayon." sabi niya. Kaya nakataas ang kilay kong tumingin sa kanya.

"What if I don't want to join you?" sabi ko kaya naman ngumisi siya ng pagkalaki laki.

"Mapapasama ang lagay ng bank accounts mo." sabi niya pa kaya naman nagitla ako.

"Hell no." mahinang usal ko nalang.

"Alam niya daw na hindi ka papayag dahil baka magalit ang boy friend mo kaya ganyan ang parusa mo." sabi niya kaya naman napatitig ako sa kanya bago yumuko.

'Wala pa kaming break up pero wala siyang pake sakin.'

Inis kong kinuha ang cellphone ko at umupo sa tabi niya. Hinanap ko agad ang pangalan ni Jonel sa contact list ko para imessage siya. Bago pa man ako magpinpindot sa keyboard ko ay mabilis na hinablot ni Priamn ang cellphone ko saka may kung anong pinidot pindot don.

Ibinalik niya sakin yon kaya tinignan ko ang ginawa niya. Laking gulat ko ng makita ko ang sinabi niya kay Jonel.

-Break na tayo. Ayoko ko na sa panloloko mo.-

"What the hell." sabi ko nalang bago tumingin sa kanya. Nakangisi lang siya at nakatingin sakin.

"So hahabulin mo parin yung boy friend mong nakikipaglandian sa girl friend ko?" seryosong sabi niya kaya natigilan ako. ''Ipakita mo sa kanyang nagkamali siya sa ginawa niya sayo, Zannaiah. Ipakita mo sa kanyang hindi mo kailangan ang isang katulad niya."

"Hindi ko siya balak habulin, leche!" inis na singhal ko sa kanya at bahagya naman siyang natawa.

"Eh di ipakita mo sa kanyang hindi ka maghahabol."sabi niya at hindi nalang ako sumagot. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin patayo saka dinala sa labas. Sumunod naman si Seathiel samin hanggang sa makarating kami sa Cafeteria ng campus. Iniupo niya ako sa upuan at kumaway sa waiter. Maya maya pa ay umupo narin si Seathiel sa harapn namin. Nasa tabi ko siya at naghihintay sa order namin.

Marrying Mr. Dwight Where stories live. Discover now