Chapter 2

3 1 0
                                    

-Priamn's POV-

Tatlong araw mula noong sinabing ikakasal kami ni Zannaiah ay para akong baliw dito sa kwarto ko dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa girl friend ko na walang ginawa kung'di mahalin ako ng todo.

Dali dali kong idinial ang number ni Babe ko.

"Hi." malambing na sabi ko.

"Hello."habol hiningang bati niya. May ginawa ba to?

"Your voice sounds tired." sabi ko.

"Ah.  Hehehe. Kasi ano..  Ah si Ate nagyayang magjogging." sabi niya.

'I miss you  babe!'

"Ahh ganon ba?" nakangiting sagot ko.

"Ahh yes--*Hump!*" parang may humalik sa kanya.

'Tss. Wag kang paranoid.'

"Ahh. Mamaya nalang, tatawagn kita. May gagawin pa kami ni ate e." sabi niya.

"Ahh sige, bye. I lo---"

Binababa niya!

Inis kong binato sa kama ko ang cellphone ko dahil bago yon sa kilos ni Nadine. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya dali dali kong kinuha iyon.

09124356897

Nasa Olocia de Mayo ang girl friend mo. Punta ka dito para malaman mo.

Sino naman itong nagtext na'to? Tss.
Maya maya pa ay tumawag si Dad at magkita daw kami dahil ipapakita daw samin ni Zannaiah ang bahay namin. Nagdrive agad ako papunta sa sinabi nila at nandoon na sila pagdatin ko. Nakita ko ang napakalaking bahay medyo may kalayuan ng konti sa school.

Tinour lang kami nila dad sa buong bahay na kumpletos rekados na. Napansin kong parang balisa si Zannaiah kaya nilapitan ko siya.

"Hey? Okay ka lang." tanong ko pero di siya sumagot at bumuntong hininga lang.

"May nagtext sakin." napatingin ako sa kanya nung magsalita siya bigla. "Nasa Olocia de Mayo daw ang boy friend ko. Anong gagawin niya sa bar?" nagaalalang tanong niya. Bigla naman akong kinabahan dahil may nagtext din sakin.

Hinalungkat ko ang cellphone ko at hinanap ang text nung unknown number kanina.

Hapon na kanina nung nakausap ko si Nadine. Ipinakita ko sa kanya ang text nung unknown number nayun at nanlaki at mata niya. Tumingin siya sakin at nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.

"Dad. Mom. Aalis po muna kami ni Zannaih." sabi ko at tumango naman silang lahat. Hinila ko ang kamay ni Zannaiah at nagulat ako ng maramdaman kong nanginginig yon.
Gukat akong napatingin sa kanya at nakita kong nanginglid ang luha niya. Pinisil ko ng kaunti ang kamay niya dahilan para luingunin niya ako.

Marrying Mr. Dwight Where stories live. Discover now