Prologue

1.1K 16 0
                                    

Let’s check the main characters’ profile!

Scarlett Santos
✓Maganda
✓Talented
✓Masungit at mataray pero depende sa kaharap
✓Mabait, depende rin sa kaharap
✓Sexy
✓Masipag, hmm… medyo
✓Matalino, uh… sakto lang

Kyle Ezekiel Alcantara
✓Guwapo
✓Talented
✓Tamad
✓Cold
✓Masungit
✓Sexy
✓Matalino
Err… gentleman???

***
Scarlett's POV.

I’m Scarlett Santos, 20 years old. And please, huwag niyo na tanungin kung anong year na ko, basta nag-aaral pa lang ako.

Nandito kami ngayon sa cafeteria kasama ko sina Marco—ang crush ko na 5 months nang nanliligaw sa‘kin, and si Cristine Gonzales—my bestfriend.

Nag-aaral kami sa Scott University, magkaklase kami ni Cristine except kay Marco na section AB-1 at kami naman ay section AB-2.

Uy! May transferee raw ah,” dinig kong wika ng isang babae. Kalapit namin sila ng table at dalawa lang silang nag-uusap.

“True! And ang guwapo niya, sobra!” sagot ng kausap.

“Siya ba yung galing  daw ng U.S?” pagpapatuloy ng usapan nila.

“Oo raw,”

Wait, hindi ko kasalanan na marinig ang usapan ng iba ah. At saka, pa’no ko maiiwasang hindi mapakinggan eh ang lalakas ng boses nila.

“Ano ba ‘yan, ang ingay ah!” pagpaparinig ni Cristine sa kabilang table pero hindi siya pinansin ng mga ito.

“KYAHHHH!!! OMG! Nandito na raw siya!” tili ng isang babae na kapapasok lang ng cafeteria, dumiretso siya sa kalapit naming table kung saan may dalawang nag-uusap. Kaya feeling ko ay kaibigan din nila ang isang ‘to.

“Tss! Akala mo ngayon lang nakakita ng guwapo,” komento ko.

“Oo nga, eh araw-araw naman nila akong nakikita ‘di ba?” mayabang na sabi ni Marco kaya binato ko siya ng kinakain kong fries.

“Ang hangin mo!” natatawang sabi ko at natawa rin silang dalawa.

Ilang minuto ring nanahimik hanggang sa makarinig ulit kami ng ingay mula sa kalapit naming table.

Waahh!!! Alam ko na name niya, guys!” dinig kong wika na naman ng isa sa kanila.

“Ano? Ano???” tanong ng kaibigan nito.

“Kyle Ezekiel daw! Hihihihi!” kinikilig na sagot niya.

Napakunot naman ang noo ko nang marinig ang pangalang binanggit, “Kyle... Ezekiel?” bulong ko.

“May problema ba, Scarlett?” nag-aalalang tanong ni Marco. Nilingon ko siya upang marahan na ngumiti at saka umiling bilang tugon.

Parang narinig ko na kasi ang pangalan na ‘yon. Very familiar siya pero hindi ko na matandaan kung saan at kailan ko narinig ‘yon.

Hayy! Nevermind, ayokong sayangin ang oras ko kaiisip.

*****

⚠️This is a work of fiction. The names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.⚠️

*ALL RIGHTS RESERVED*
No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the author.

PLAGIARISM IS A CRIME!

-pennidhenny

Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon