Chapter 8

272 10 0
                                    

Scarlett's POV.

Lunch time ay pumunta na kami ni Cristine sa Cafeteria kasama si Marco para kumain.

“Guys, CR lang ako.” paalam ko at sabay naman silang tumango.

“Sige, balik ka kaagad ah.” sabi ni Cristine at tumango na lang ako bilang tugon.

Pumunta na nga ko sa CR ng girls at pumasok sa isang cubicle para umihi. Paglabas ko ay naghugas ako ng kamay at palabas na sana pero biglang may pumasok na halimaw.

“Oh, nice to see you again.” plastic na wika niya ngunit hindi ko iyon pinansin. Lalabas na sana ako pero umepal na naman si Monster.

“Wait, may gusto lang akong itanong.” wika ni April.

Walang emosyon ko siyang tiningnan, “Ano naman ‘yon?”

“Bakit ba laging nakasunod sa’yo yung boyfriend ko?”

“Sino? Si Kyle?”

“Of course, sino pa ba?”

“Malay ko ba kasi kung ilan yung boyfriend mo,” halos napapairap kong tugon.

“Sagutin mo na lang yung tanong ko, please.” pagde-demand niya.

“Aba'y hindi ko rin alam! Hindi ko nga alam na sumusunod siya sa akin. Saka paano mo nalaman? Lagi mo rin ba siyang sinusundan?”

“Okay. Salamat sa sagot, makakaalis ka na.” sa halip ay sagot niya. Hindi ko na lang pinansin ang pag-iwas niya sa tanong ko at lumabas na lang ako para hindi ko na masapok yung mukhang hito na ‘yon.

Bumalik na ko sa Cafeteria at naabutan kong may pagkain na sa table namin kaya nagsimula na rin kaming kumain, and after no’n ay bumalik na rin kami agad sa room.

Pagkarating namin sa room ay nagpasya akong kausapin si Cristine tungkol sa bumabagabag sa akin simula pa kahapon.

“Cristine,” tawag ko at tumabi sa upuan niya.

“Oh?”

“Paano kaya kung… sagutin ko na si Marco?”

“Ha? Sure ka na ba?! Bakit?”

“Siyempre, eh halos mag-aanim na buwan na rin naman niya kong nililigawan ‘di ba?”

“Oo nga… eh ang tanong, mahal mo ba?”

Bahagya akong napairap, “Beshy, ultimate crush ko nga ‘di ba?”

“Oo, alam ko naman ‘yon. Pero, Beshy… iba ang crush sa love. Yung tanong ko ang sagutin mo.”

“Oo naman! Ramdam mo naman siguro ang pagiging third wheel mo pag kasama mo kami, ‘di ba?”

Inirapan niya ko, “At nadamay pa talaga ang pagiging third wheel ko! Hayy... Ikaw ang bahala, lovelife mo naman ‘yan. Basta taga-support lang ako lagi sa’yo,”

“Yun sana! Kaya mahal na mahal kita e,” napahagikgik ako at niyakap siya.

“So, kailan mo balak sabihin na kayo na?” tanong niya.

“Mamaya siguro, puntahan natin siya sa room niya.”

“Gora!”

***

Uwian ay hinintay namin si Marco sa labas ng room niya. Naglinis pa kasi sila kaya medyo natagalan.

“Oh, hinintay niyo pa pala ako?” gulat na bungad ni Marco pagkakita niya sa amin sa labas.

“Oo, hehe…” sagot ko. Nakatago sa likuran ko ang kamay ko dahil kinakabahan ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kahit hindi naman ganoon kainit dahil hapon na ay pinagpapawisan pa rin ang noo ko.

Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon