Epilogue

321 11 3
                                    

*5 years later*

Scarlett's POV.

Nakaupo at nakatitig ako ngayon sa harap ng puntod niya. Sinindihan ko ang dalawang kandila at inilagay ang mga bulaklak na binili ko para sa kaniya.

“I'm here… again.” tumulo ang luha sa kaliwang mata ko pero agad ko rin itong pinunasan. Ayokong makita niya kong umiiyak na naman, kailangan niya kong makitang matapang na nananatili pa ring nabubuhay at matatag kahit wala na siya.

“Alam mo, miss na miss na kita. A-ang daya mo kasi e! Nakakainis ka!” nakangiti kong wika kahit na tuloy-tuloy na tumutulo ang mga luha pababa sa pisngi ko.

Kahit na ilang beses ko silang punasan ay hindi ko talaga mapigilan kaya hinayaan ko na lang silang tumulo.

“I'm sorry kung nakikita mo na naman akong umiiyak… b-but promise! Mas magiging matatag ako para sa anak natin…at para na rin sa’yo.” marahan kong hinaplos ang nakaukit na pangalan sa puntod niya habang humihikbi.

“Alam ko naman na alam mo na mahal na mahal kita. Sayang nga lang at hindi mo nakita at naabutang lumabas si baby.” pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at suminghot.

Alam kong lagi ko namang sinasabi sa kaniya ang bagay na ‘yon sa tuwing dadalawin ko siya ngunit sadyang hindi ko mapigilang sambitin iyon nang paulit-ulit.

“Speaking of our baby… pasensya na dahil hindi ko siya nadadala rito. Lagi kasi siyang kasama nila Mommy dahil alam mo na, sabik alagaan.” marahan akong tumawa. “Ngayon lang kasi nakapag-alaga ulit ng baby kaya hayaan mo na.” dagdag ko.

Saglit akong nanahimik at maya-maya ay natawa dahil sa biglang naalala.

“Biruin mo, mas nauna pa kong nagkaanak at nagka-asawa kay Kuya.” naiiling kong sabi habang tumatawa. “Hayy! Para akong baliw, ‘no? Iiyak tapos tatawa… tsk! Nakakabaliw naman kasi talaga na hindi na kita nahahawakan at nakakasama.” muli kong hinaplos ang puntod niya at malungkot na ngumiti. “Miss na miss na miss na kita, mahal ko, pero alam ko na kahit hindi na kita nakikita at nahahawakan ay alam kong nandiyan ka pa rin sa tabi namin. Laging nagbabantay sa amin.”

I chuckled.

“I love you and I always will.” hinalikan ko ang lapida kung saan nakaukit ang pangalan niya. “Dadalaw ulit ako. Kung hindi man bukas, baka sa isang araw. Basta, dadalaw ulit ako kaya huwag kang mag-alala.” ang huling litanya ko bago ako tuluyang tumayo at umalis.

“And cut!” ang sabi ng direktor kaya napahinga ako ng maluwag. Sa wakas ay natapos din ang scene na ‘to. Paubos na luha ko e.

“Good job, Scarlett!”

Ngumiti ako pagkalapit. “Thank you, Direk!” nginitian niya lang ako pabalik bago namin pinanood sa maliit na screen ang nagawa kong scene kanina.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa dressing room kung saan nandoon si Kyle at si baby Ezekiel, kinuha ang name niya sa second name ni Kyle pero hindi siya junior.

“Hello, baby boy~” bungad ko sa maliit na boses habang naglalakad palapit sa mag-ama ko. Binuhat ko si baby at hinalikan ko naman sa labi si Kyle.

“Bakit ang tagal mo?” bungad na tanong niya.

“Nakailang take kasi kami sa scene. Mabuti nga ikaw wala ka nang iniintinding script at dialogue e.”

“Siyempre, pinatay ako sa story.” napapairap na tugon niya na ikinatawa ko.

“Okay lang ‘yon, at least buhay na buhay ka sa totoong buhay.”

“Hmm… paano pala kung namatay nga ko sa totoong buhay?”

Nanlaki ang mga mata ko at sinuntok siya sa braso.

“Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan!” inis kong sabi na ikinatawa niya lang habang hinihimas ang parteng sinuntok ko.

“Hindi na nga po, boss. Alam ko namang mahal na mahal mo ko e.”

“Tse! Diyan ka nga muna, na-miss ko si baby e.” hinarap ko na ang baby namin upang laruin. Naupo ako sa couch dahil nakakangawit na tumayo.

Sabay kaming napalingon ni Kyle sa pinto nang makarinig ng pagkatok.

“Mr. And Mrs. Alcantara?”

“Yes?” sabay naming tugon mula sa taong nasa labas ng dressing room.

“Can I come in po?”

“Sure, honey.” tugon ko kaya agad din nitong binuksan ang pinto at pumasok.

“Uhm… ma’am, hanggang doon na lang daw po muna yung isho-shoot ninyo today sabi ni Direk, and tomorrow na lang daw po yung ibang scene.” sabi ng P.A namin kaya tumango ako habang nakangiti.

“Okay, thank you.” ngumiti na lang siya sa akin at tumango bago muling lumabas ng kuwarto.

Sinubukan naming mag-artista ni Kyle nang tanggapin namin ang offer ng isang tao na lumapit sa amin and naging successful naman. 5 years old na ang isa naming anak na si Sophia, siya ang panganay namin and then si baby Ezekiel naman ang bunso na isang taong gulang na.

“Nasaan nga pala si Sophia, bakit hindi mo isinama?” kunot-noong tanong ko kay Kyle ilang minuto pagkatapos na umalis ng P.A namin.

“Ah, sumama kasi siya kay Mama sa mall. Alam mo na, bonding ng mag-lola.” napangiti ako at bahagyang natawa.

“Gano’n ba. Oh sige, umuwi na tayo sa bahay dahil tapos naman na yung shooting.” tumango siya kaya lumabas na kami ng dressing room at sumakay na ng kotse. Sa backseat nakapuwesto si Ezekiel dahil hindi siya pwede sa harap at ako naman ay nakaupo sa tabi ng driver’s seat.

***

Lahat tayo ay may mga pagsubok na kinakaharap sa buhay at ang lahat ng iyon ay nalagpasan at lalagpasan pa namin nang magkakasama. Ang mga puso na puno ng galit at poot ay huwag nating pairalin dahil kapag iyan ay naghari sa buong pagkatao mo, masama at ikapapahamak mo pa ito. Huwag din sana nating kalilimutang magpasalamat at tumawag sa Kaniya.

Tinanggal namin ang galit sa puso't isip at napatawad na namin si April dahil lahat ng tao ay may karapatang magpatawad at patawarin. Mabigat man ang kasalanan o hindi, kailangan pa rin nating matutong magpatawad nang bukal sa puso para sa ikaluluwag ng ating damdamin at isipan.

Mas nakakagaan ng loob kapag wala kang iniintindi na kaaway. Spread the love all over the world at huwag hayaang maghari ang kasamaan.

Nagpapasalamat ako sa pagdating ng mga taong naging bahagi at magiging bahagi pa ng buhay ko pati na ng buhay namin.

Ngayon ay namumuhay na kami ng masaya at payapa. Ngunit sana ay wala nang manggulo pa sa pamilya naming buo at masaya na.

Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon