Chapter 3

355 7 0
                                    

Scarlett's POV.

Hindi nasagot ang tanong ko dahil may tumawag kila Mom and Dad para sa business proposal. Ayoko naman tanungin si Kuya dahil malamang sa malamang na mang-aasar lang ‘yon.

Kinabukasan pagkarating ko sa classroom namin ay iniisip ko pa rin hanggang dito ang kung paano nila nakilala si Kyle. Speaking of Kyle, lumingon ako sa upuan niya pero hindi ko siya nakita.

Nasaan naman ‘yon? Huwag niyang sabihing hindi siya papasok?

Agad akong napailing.

 Teka nga! Bakit ko ba iniisip ‘yon?! Bahala siya sa buhay niya. Tss!

“Miss Santos, are you with us?” tanong ni sir. Kasalukuyan kasi kaming nagkaklase tapos heto ako, lumilipad sa kung saan ang isip. Take note, math pa ang subject!

“Uh... Y-yes sir.” alanganin kong sagot.

“Okay, can you please stand up and answer my question?” dahan-dahan akong tumayo at nagsimulang kabahan.

Hindi naman kasi ako nakikinig! Huhuhu!

Ipinagkrus ni sir ang braso niya at humarap sa akin, “If two secants, or a secant and a tangent intersect on the circle, then the measure of the angle formed is equa—”

Napahinto si sir nang may kumatok sa pinto, “Excuse me po sir. Sorry po sa disturbo,” sabi ng SSG officer.

“Oh, it’s fine.” tugon nii sir.

“Uhm, pinapatawag po si Miss Scarlett Santos sa Dean's Office,” napahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang sinabing iyon ng SSG officer.

“Ah okay, Miss Santos, pinapatawag ka raw.” tumango ako at lumabas na ng room. Pagkatapos ay tahimik kong sinundan ang SSG officer na tumawag sa’kin.

Pagkarating namin sa office ay kaagad din akong pinapasok sa loob. Nagulat ako nang makita ko si Kyle doon.

Anong ginagawa nito rito???

“Good morning po, Dean.” bungad na bati ko.

“Good morning Miss Santos, please have a seat.” itinuro niya ang bakanteng upuan na nasa harap ng table niya at sumunod naman ako, kahit na katapat kong nakaupo si Kyle. “Kaya kita pinatawag dito ay dahil kinausap ko na si Mr. Alcantara na maging partner mo sa paggawa ng Music Video na ipapalabas sa nalalapit na Foundation Day, and pumayag na siya.” tuloy-tuloy na sabi ng Dean kaya hindi masyadong nag-process sa utak ko.

Teka... Si Kyle?! Partner ko sa gagawing Music Video? Eh may partner na ko roon ah.

“But, how about Vincent po? ‘Di ba siya talaga yung partner ko?”

“Hmm… Nag-quit na si Mr. Tan dahil lilipat na siya ng ibang school,”

“W-what? Eh bakit po si Kyle ang ipa-partner sa’kin?”

”Siya na lang kasi ang available student na pwedeng i-partner s’ayo. Ayaw mo ba siyang makasama? I think, bagay naman ang chemistry niyo? Tamang-tama sa gagawin ninyong Music Video.” I mentally slapped my forehead.

Iyon na nga ang problema ko e! Kailangan na sweet ang makikita sa video, kay Vincent okay lang kasi walang ilangan dahil may pusong babae siya. Eh si Kyle?! Urgh! Ang awkward nito, promise!

“You have to start recording because 1 week from now, Foundation Day na ng school natin. Remember na kailangan perfect couple ang makita roon,” wika ulit ng Dean.

Teka nga, Foundation day ba talaga? O valentines day? Aatakihin ata ako ng hika dito. Pero joke lang ‘yon, wala akong hika. Nakakaloka lang kasi!

Nilingon ko si Kyle at tinignan nang masama. Bakit kasi pumayag siya?!

Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon