LESSON LEARNED #2
'Magpokus ka sa ikasisiya mo, wag na wag mo itong ibabase sa tingin sa iyo ng mga tao'
Noong unang panahon kase may nakilala na naman akong isang babae na masyadong 'trying hard' at 'pa-cool'!
Kesyo tropa tropa ng mga lalake at pasikat sa mismong gitna ng quad ng school namin. Pwede naman kasi syang magpasikat, kaya lang mga madla nabangga nya ako eh! Badtrip!
Eh halam nyo ho bang meron akong tukneneng,pishbol,kikiam,hakdog,sio-mai at squidbol na dala non? Buset na! Anlakas lakas ng boses nya't hindi pa nakuntento sa lakas nito mga madla! Dahil putsaa, para syang buhay na butete sa daanan at nahiya ang mga kite-kite sa galawan ng hayup na babaeng yun! At blagadum! Tentenenenttenewwnnt! Sa pangalawang pagkakataon ay nakasalamuha na naman ako ng malas sa buhay ko, hays! Badtrip! Alam nyo po ba ang kinalabasan mga madlaa? Eh ayun lang naman po ay ang pagkalat ng sauce ng mga pagkain ko sa mukha,uniform at palda ko, hehe! Akalain nyo nga namang nakapalda pa rin ako eh no? Jwk! Basta ayun at hindi man lang nagsorry ang loko! Kaya qql na qql ako! Pero dahil nga sa mabait ako eh hinayaan ko nalang at nagtungo nalamang ako papunta sa banyo namin! Naghilamos ng mukha, humingi ng tissue sa kaklase kong anghel at ang huling galaw ko ay ang pagsasaayos ng mukha ko, waw! Marunong ako non wag kayo,hehez!
Ngunit bumalik tayo sa LESSON LEARNED mga madlaa ah.Hindi naman kasi porket mga kaibigan mo ay mga lalake ay nacoconsider ka nang pa-cool, pa-boyish o ano pa man yan! Ang ipinaglalaban ko lang naman eh sana nasa tamang lugar ang pagpapacool! Buset nakakabangga na eh! Pinagmukha akong manok na pinuno ng greybi sa gitna mismo na quad.!
Takte na yan! Hays! Ngunit ganyan ang buhay. May mga taong ibinabase nila ang mga kilos nila sa iba.
Halimbawa:
Hehe nasa school tayo wag kayong ano, hehe ulitz!
Yung tipo bang magpapasikat ka kasi may nakita kang kalalakihan na may mukha. Ganon ang ibig kong sabihin dito!
Oh weyt, iba pa! Yung tipong gusto mong maging close yung maganda mong kaklase eh nahihiya kang lapit-lapitan sya, kaya nag-iingay ka nalang para mapansin ka nya! Ganon! Hindi naman sa mali yung ganito mga madlaa! Pero dapat ginagawa natin ang mga bagay-bagay na ganito kung ikasisiya natin ito eh wala namang masama!
Basta eh enjoyin lang natin ang buhay at huwag na huwag ibabase sa mga taong nakatingin sa atin, kumbaga 'MAS PILIIN NATING PASAYAHIN ANG SARILI NATIN, HUWAG YUNG MGA TAONG NAKAPALIBOT SA ATIN, MAGPAKATOTOO TAYO SA LAHAT NG PAGKAKATAON! DAHIL KUNG PURO BRIGHT SIDE, HAPPINESS O KUNG ANO PA MANG POSITIBO ANG INIHAYAG NATIN SA KANILANG PAGKATAO NATIN AY TIYAK KAHIT NAGING KAIBIGAN NA NATIN SILA AY MAGSASAWA SILA SA ATIN KAPAG NAHANAPAN NA NILA TAYO NG BUTAS. HINDI KASI SA LAHAT NG PAGKAKATAON AY PAGPIPILITAN MO ANG SARILI MO, MAPANSIN KA LANG NG MGA TAO. 'LEARN TO BE HAPPY, DON'T YOU TRY HARD IF OTHERS DON'T REALLY WANT YOU, JUST FOCUS ON YOURSELF AND WHATEVER YOU WANNA DO.'LESSON LEARNED #2