Marjorie's POV.
Nung makaalis si Eunix, pumunta agad ako sa room. Nakakainis kasi! Pwede naman nya akong kausapin ng maayos eh. Sinigaw sigawan nya pa ko kanina.
Pero isa lang nararamdaman ko...
Nakokonsyensya ako. T_T
Alam ko naman kasi talaga yung nararamdaman nya eh.
Bakit naman kasi daddy nya pa eh.
Pero may part sakin na masaya dahil may tatayo ng tatay sakin. May part din na malungkot dahil alam ko naman na di pinapansin si Eunix ng daddy nya. Busy kasi yung mom and dad nya sa business nila. Tanging yung yaya na lang nila (manang) yung lagi nyang kasama tuwing may mga meeting, or kahit na anong gagawin dito sa school.
Naiinis ako kasi kung dati ko pa 'to sinabi sa kanya, baka maintindihan nya.
Ako lang naman kasi yung pinagkakatiwalaan nya bukod sa pinsan nya.
Masyado siguro akong lutang kanina. Nandito na kasi ako sa harap ng bahay nila Eunix. Tss.
Hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok.
Pinapasok agad ako nung isa sa mga katulong nila. Kilala naman kasi nila ako.
Pagpasok ko pa lang sa sala, nakita ko na yung mommy ni Eunix na nakaupo sa sala at umiiyak. Wala ditong katulong kaya siguro umiiyak si tita Farcianna.
Lumapit ako sa kanya. Naramdaman nya siguro na may papalapit kaya dali-dali niyang pinunasan yung luha niya. Pagtingin nya sa akin, nagulat sya. Siguro dahil hindi nya ako inaasahan na pumunta dito.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ahh---Uhh..." hindi ko alam kung saan mag-uumpisa! -_-
"Alam ko yung nangyari kanina." nakangiting sabi nya, pero pilit lang.
A-alam nya?
P-paanong nalaman nya?
Gulat na gulat ako na tumingin sa kanya. Ngumiti lang naman sya sa akin. "Nakaabot sakin yung pagsigaw-sigaw sayo ng anak ko.." paglilinaw nya. "Pasensya ka na sa ginawa ng anak ko ah?" dagdag nya.
"Hindi po. Ako po dapat yung humihingi ng sorry. Kung ako po yung nasa position nya, syempre po masasaktan ako. Kung ako yung nasa position nya, syempre magagalit ako. Kami po kasi ni mommy yung dahilan kung bakit masisira na yung pamilya nyo. Kami po yung--------" bago ko pa matapos yung sasabihin ko, nagsalita na si tita.
"Wala kayong kasalanan, si James. Sya yung may gusto nito. Hindi nyo 'to ginusto. I mean, yung sitwasyon. Hindi nyo ginusto yung sitwasyon, natin. Walang may gusto nito. Masyadong kumplikado yung sitwasyon eh. Wala kayong kasalanan, lalo ka na." ngumiti syq ng bahagya sakin. "Kaya pasensya ka na sa ginawa ni Eunix. Wala ka namang kasalanan eh. Wala kayong kasalanan ni Eunix." nakangiting sabi nya sa akin.
--------------
Eunix's POV.
Pagkatapos kong umihi, lumabas na ako ng c.r. para kausapin si mommy. Hindi ko kasi sya maintindihan kanina. Kung bakit sya nagagalit sakin. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si mama na nakaupo sa sofa at may kausap. Sumilip ako para makita kung sino yun. Psh. At bakit yan nandito? -_-
"Hindi po. Ako po dapat yung humihingi ng sorry. Kung ako po yung nasa position nya, syempre po masasaktan ako. Kung ako yung nasa position nya, syempre magagalit ako. Kami po kasi ni mommy yung dahilan kung bakit masisira na yung pamilya nyo. Kami po yung--------" bago pa matapos yung sasabihin ni Marjorie, nagsalita na si mommy.
"Wala kayong kasalanan, si James. Sya yung may gusto nito. Hindi nyo 'to ginusto. I mean, yung sitwasyon. Hindi nyo ginusto yung sitwasyon, natin. Walang may gusto nito. Masyadong kumplikado yung sitwasyon eh. Wala kayong kasalanan, lalo ka na." ngumiti nang bahagya si mommy."Kaya pasensya ka na sa ginawa ni Eunix. Wala ka namang kasalanan eh. Wala kayong kasalanan ni Eunix." nakangiting dagdag ni mommy. Psh. Alam ko naman na ginusto 'to lahat ni Marjorie.
Bakit kapag si Marjorie, ngumungiti si mommy?
Bakit ako kanina, galit na galit si mommy?
Dahil ba walang kasalanan si Marjorie?
Dahil ba sinigawan ko kanina si Marjorie?
Dapat lang naman ako magalit sa kanya eh!
Siya at yung mommy nya ang sumira ng pamilya ko!
Kung hindi lang sila nagpakita kay daddy, eh di sana hindi na maghihiwalay sila mommy.
Tsk. Alam ko naman na gustong-gusto ni Marjorie na magkaron ng daddy. Pero bakit kasi si daddy pa? Ang dami-dami namang ibang lalaki dyan eh.
Maglalakad na sana ako papunta sa taas nung marinig ko na nagsalita si Marjorie.
"E-Eunix?!" tss. Si mommy naman tumingin na lang sa labas. -_-
Ano ba kasing problema nya?
Lumapit sakin si Marjorie.
"Eunix, pwede ba tayong mag-usap?" tanong nya. Psh. Anong magagwa ko? Eh nandito si mommy. Baka mamaya madagdagan yung galit nya sakin eh. Tsk. -_-
Tumango na lang ako. Pumunta kami sa garden para mag-usap. Ano ba kasing pag-uusapan namen?
"Tungkol sana sa pamilya mo.." panimula nya.
"Alam mo, kung magso-sorry ka nang magso-sorry, walang mangyayari. Kahit pa kausapin mo ko. Desidido na si daddy na makipaghiwalay kay mommy kaya wala na tayong magagawa. And besides, gusto mo naman na magkaron ng daddy, diba?" pinangunahan ko na sya. Ang dami kasing magiging dada neto eh, pag di ko pinangunahan.
"Ibig sabihin pumapayag ka na?" parang nagliwanag naman yung muka nya. -.-
"What do you mean?" taas-kilay na tanong ko.
"Ahmm... Pumapayag ka na." nakangiting sabi nya. "Na maghihiwalay na sila tita Farcianna para samin ni mommy?" dagdag nya. What the hell?
"Ginag*go mo ba ko?" galit na tanong ko sa kanya. Bigla naman ng nag-iba yung ekspresyon ng muka nya.
"B-bakit?" tanong nya.
BINABASA MO ANG
Tadhana
RandomSi Tiffany ay galing sa mayamang pamilya. Siya ay isang simpleng babae lamang. Siya ay matalino at masiyahin. Magaling syang sumayaw at kumanta. Si Louie Rae ay galing din sa mayamang pamilya. Pamilya nya ang may-ari ng Gwangmin University. Maga...