Tiffany's POV.
Nagising ako ng maaga kanina dahil alam ko naman na first day ngayon ng pagpasok namin sa school. Pero di ko pa rin talaga malimutan yung sinabi sakin ni mommy bago ako umalis ng bahay.
-Flashback-
Nagising ako nang maaga dahil exited na ko sa pagpasok sa school. Bumangon agad ako saka naligo.
Pagkatapos kong maligo at mag-intindi para mamaya, bumaba na ako para kumain.
Pagbaba ko, sumalubong sa akin si Manang.
"Hi, Manang!" bati ko sa kanya. Katulong namin sya. Siya yung tumayo nang mga magulang ko simula nung maging busy sila mommy sa lahat ng business namin.
"Good morning, Tiff." nakangiting bati nya sakin kaya ngumiti din ako sa kanya.
"Where's mommy?" I asked.
"I'm here." biglang may nagsalita sa likod ko. Ngumiti agad ako dahil alam ko namang si mommy yun. Bumeso ako sa kanya, ganun din naman sya sakin.
"Let's eat." nakangiting sabi ni mommy. Sumunod naman ako. At nagsimula na nga kami kumain.
Parang may mali kay mommy. Di naman sya ganto eh. Nakangiti kasi sya ngayon pero halata mong pilit lang. At isa pa, yung mata ni mommy parang ang lungkot-lungkot. Hindi ako sanay na ganto si mommy dahil masiyahin talaga sya. Tsk. Hayaan na nga!
Pagkatapos kong kumain, tumayo agad ako at nagpaalam sa kanila. Pero bago ako tuluyang makapasok sa kotse ko, may nagsalita na sa likod ko.
"Pasensya na, Eunix. Pero pwede ba tayong mag-usap?" tanong sakin ni mommy.
"Of course, mommy." I smiled pero masyadong seryoso si mommy kaya unti-unting nawala yung mga ngiti ko.
"Gusto lang kitang maka-usap tungkol sa daddy mo." she smiled. Pero yung mga ngiting yun, alam kong peke lang. Imbis na tanungin ko nang tanungin si mommy, sumunod na lang ako sa kanya. Pumunta kasi syang garden.
**Parehas kaming nakatayo dito kahit may upuan naman talaga sa tapat namin. Uupo na sana ako nung magsalita si mommy.
"Your dad file an annulment." she smiled bitterly. Sa tono ng boses nya, alam kong maiiyak na sya. Hindi ako sumagot dahil hindi ko din alam kung ano yung magiging reaction ko. Pero sa sinabi nyang yun, unti-unti nang uminit yung mata ko, naluluha na ko. Umayos ako ng tayo. "May iba na syang pamilya" at dun na nagsimulang tumulo ang aking mga luha, ganun din si mommy.
-End of Flashback-
I smiled bitterly nung maalala ko yun. Nandito ako ngayon sa room namin. Para akong baliw dahil ngumiti ako mag-isa.
"Tiffany Eunix Fuentabella!" nagulat ako nung biglang sumigaw si sir. Gomez at mga nakatingin na sakin yung mga classmates ko.
"Lutang ka na naman, Eunix." tumingin ako kay Marjorie nung bumulong sya. Nakangisi si gaga! Shetengenebels!
BINABASA MO ANG
Tadhana
AcakSi Tiffany ay galing sa mayamang pamilya. Siya ay isang simpleng babae lamang. Siya ay matalino at masiyahin. Magaling syang sumayaw at kumanta. Si Louie Rae ay galing din sa mayamang pamilya. Pamilya nya ang may-ari ng Gwangmin University. Maga...