Rant

2 0 0
                                    

Nakatitig lang ako sa kawalan habang hawak-hawak ang cellphone ko, nakakainis naman eh!—kailan ba magoonline ang lalaking yun.

"Mas maganda ng umamin sa chat, nakakahiya sa personal"

Napapikit ako ng marahan, tiningnan ko ulit ang mga taong online sa messanger ko, halos bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang pangalan niya na may green na sa itaas.

"Aamin na ba talaga ako?"

Nanlaki naman ang mata ko ng mapindot ko ang call button sa kanya, wala pang ilang minuto ay sinagot niya na yun

"Bakit?"boses niya pa lang sa kabilang linya ay nagpapabilis na ng tibok ng puso ko

"Umalis ng walang sabi...hehe"

Ginawa ko yun para pagaanin ang atmosphere nag papaltipate na kasi yung puso ko

"Wala kang sasabin?, matutulog na ako"sambit niya, huminga naman ako ng malalim

"Nakakainis ka kasi"nanatili siyang tahimik sa kabilang linya

"Inis na inis na ako sayo, masyado kang ano!!"hindi ko talaga matuloy yung sasabihin ko.

"Mag rant ka dyan mag-isa mo, matutulog na ako"sambit niya, napanguso naman ako ng marinig kong binaba niya na ang phone niya

"Nakakainis ka kasi masyado kang paasa tapos kung kailan aamin na ako babaan mo ako"

"Kung kailan sasabihin ko sa'yo na..."

"Gusto na kita"

"Gusto mo ako?"

Halos mabitawan ko ang cellphone ko, agad ko namang inabot agad iyun—narinig niya yung sinabi ko.

"Ah ano"mautal-utal na sambit ko

"Gusto mo ako?—tapos tinulak mo ako kay loris"

"Sabi mo kasi gusto mo siya eh"malungkot na sabi ko

"Naniwala ka naman?—sinabi ko naman sa'yo na madalas sinungaling ako"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Matutulog na ako"

Napanguso ako, ano ba naman yan eh!, ang gulo mo jayvee!!

Ilang minuto naging tahimik ang kabilang linya ng bigla siyang nagsalita

"Gusto kita thea"

ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon