Paasa siya, Umasa ako

2 0 0
                                    

"Pero alam mo kinikilig talaga ako sa inyong dalawa"sambit ng kaibigan ko na si lea, napatingin naman ako sa kanya ng nakakunot-noo.

"Ganun lang talaga siya"mahina kong sagot.

Ganun lang talaga siya....paasa.

"Ewan ko sa inyo pag kayo naging mag jowa magcecelebrate ako"napatawa na lang ako sa sinabi ni Lea, loko talaga.

———

"Shanelle"napaharap ako sa kanya, nakapamulsa lang siya at seryoso ang tingin sa akin.

Bakit bigla na lang nagpapaltipate ang puso ko?

"Ayusin mo nga yang tingin mo, kala mo naman gwapo ka"sambit ko sa kanya at tumaray.

Pero gwapo naman talaga siya.

"Bakit gwapo naman ako sa paningin mo ah?"napataray naman ako sa kawalan, bawal pahalata shanelle.

"Assumero ka rin noh, bilisan mo maglakad!"bulyaw ko sa kanya, tumawa naman siya ng mahina.

Pati ba naman yun ang gwapo pa rin sa pangdinig?

"Umamin na sa akin kanina si Ashley"

Tumigil ang mundo ko sa sinabi niya, Agad akong napaharap kay France na nakataas ng kilay.

"Kayo na?"masungit kong tanong

"Liligawan ko siya"

Halos manlumo ako, pero hindi ko pinahalata agad na akong tumalikod sa kanya.

Wala kang dense lalaki ka!, manhid!

"Oy Shanelle galit ka?"

Hinatak ni France ang braso ko, pumikit ako ng marahan.

"Gusto kits France"

Saglit siyang natigilan sa sinabi ko, napakabilis rin ng tibok ng puso ko.

"Ano ng scene ko ngayon sa inyo ni Ashley? Third wheel ganun—walanjo pre masakit yun"sambit ko sa kanya

"Sinabi ko naman sayo na wag kang mahulog diba?"

"Bakit ka nagpakita ng motibo?"

"Bakit ka umasa?"

Sa pagkakataon na ito, tumulo na ang mga luha ko sa mata.

"Hindi naman ako aasa kung hindi mo pinaasa"

"Alam mo France, sa una't huli pa lang ikaw ang paasa at ako si tanga ayun nagassume at umasa"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon