Unan

2 0 0
                                    

"Inom tayo"

Ayan agad ang bungad sa akin ng bwisit na lalaki na toh, aba! Broken na naman tapos akk takbuhan.

Bat ako nung nasaktan sinabi ko ba?

Napataray na lang ako sa kawalan, nagulat ako ng bigla niya akong hinila papunta sa bar, Hindi pa nga ako pumapayag eh.

"Break na kayo ni Dana?"unang bungad ko pag-upo pa lang namin ng bar, ininom muna niya ang alak at tumango sa akin.

Kaya pala umiiyak rin sa Dana.

"Parang parehas lang naman labag sa kalooban niyo ang magbreak edi magbalikan na kayo!"bulyaw ko at ininom rin ang alak, hiniwakan naman niya ang kamay ko at tiningnan ng masama.

Inaakit ba ako ng lalaking toh?

"Bawal ka uminom, di kaya ng tolerance mo"okay ayan na naman siya na parang tatay ko.

"Ano gusto mo gawin ko?, panoorin kang nagmumukmok, ang panget mo kaya!"sabi ko at tumaray sa kanya, agad kong muling ininom ang beer

"Sinabi niya na ayaw na niya, pagod na siya"malungkot na sabi niya at yumuko

"So, anong gagawin ko?"mataray kong tanong sa kanya.

"Ang bait mo talagang kaibigan"sabi niya, napangisi na lang ako.

"Lahat naman napapagod"seryoso kong sambit

Pero ako kahit kailan hindi pa rin napapagod sa'yo

Nilaklak ko ulit ang baso ng beer at napangiwi sa pait, dapat nga ako yung malungkot ngayon eh.

Kasi yung bestfriend ko nasasaktan na naman.

"Ginawa ko naman lahat Elle pero parang kulang pa rin"sambit niya, ininom niya rin ang isang baso ng beer, iinom sana ulit siya ng inagaw ko yun sa kanya at ininom

"Tingin mo iiyak siya ng ganun kung gusto niya talaga makipaghiwalay, napagod lang siya"sabi ko habang nakatingin sa malungkot niyang mukha

"Ang malas mo sa babae Kevin sobra"sabi ko, nahihilo na rin ako, bwisit na lalaki kasing ito!

"Teka nga bakit parang ikaw na ata ang nalalasing?—umuwi na tayo"aalalayan na sa niya ako ng hindi ako pumayag

"A-yo-ko, dali na magkwento ka pa sa akin"sabi ko at pinabalik siya sa upuan niya.

"Lasing ka na Elle"

Umiling-iling naman ako kay Kevin, aba siya nagyaya tapos uuwi na agad!—bawal yun

"Ilabas mo lang yung lungkot mo sa akin Kev, tutal unan mo naman ako diba?"sabi ko sa kanya, kumunot ang noo niya

"Kung ganun napapagod ka na rin sa akin?"

Napangisi naman ako, tumingin ako diretsyo sa mga mata niya

"Ako napagod?, hindi naman ako napagod Kev eh, yung sarili ko yung napagod sa sarili ko"sambit ko

"'Di mo gets noh?"sabi ko sa kanya at tumawa

"Gusto kita Kevin, gustong gusto yung tipong handa akong ibuwis buhay ko para lang sa'yo"

"Lasing ka lang Elle"hinila niya ulit ako pero tinangal ko ang kamay niya sa kamay ko

"People who are drunk tend to tell the truth"seryoso kong sabi

"Gusto kita kaso naalala ko unan mo lang pala ako, pero hindi mo alam kung paano ako nasaktan nung yung bestfriend ko pa na si Dana ang minahalmo—Si Erin, Jea, Karla kay Dana ako pinaka nasaktan"

"Ang bulag mo Kevin, hanap ka ng hanap nandito lang naman sa harap mo"

Tumulo ang mga luha ko ngunit patuloy pa rin akong nakatingin sa kanya

"Lahat napapagod ako lang ang hindi, oo tama ka ayoko ng maging unan mo"

"Elle..."

"Ako na lang mahalin mo Kevin, ako na lang"

ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon