Chapter 5

2.3K 60 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Present

So ayon, ikinasal kami ni Ferris ng labag sa aming kalooban. Kung sana mahal niya ako ay ako na ang magiging masayang babae pero hindi 'eh. Mahal ko siya ngunit hindi niya ako mahal. How ironic.

"Nakatunganga ka na naman diyan, alam mo Miho kung ako sa'yo hiwalayan mo na lang siya."nabalik ako sa wisyo nang umupo si Karlie sa aking tabi. Nandito kase ako ngayon sa bahay nila ni Leon dahil walang kasama itong si buntis.

"Gaga ka ba, kita mong hindi pa naayos ang lahat paano ko siya hihiwalayan?"tanong ko kay Karlie habang kumakain ito nang siopao. Grabe ang buntis na 'to ang lakas kumain.

"Alam mo Miho, masasaktan ka lang. Kahit naman na Gitsune 'yang si Ferris at pinsan siya ni Leon ay hindi ko i-totolerate ang kagagohan niya ano."ayan may pakasadista talaga siya--you know war freak itong si Karlie dahil nga buntis. Mabilis mainis.

"Kung hindi lang talaga ako buntis baka ako na ang nag salvage diyan, how dare him hurt my best friend!"sabi nito kaya natawa ako.

"Alam mo Karlie huwag ka nang magalit baka ma-stress ka pa okay? Alam mo hindi naman ako mag papakamartyr 'eh, sisiguradohin kong pag na pull out ko na ang lahat ng aming shares ay aalis na ako."paliwanag ko rito, damn even mentioning it makes my heart in pain. Baka mamaya hindi ko na kayanin ang pag lisan.

"Kung talagang hindi mo na kaya ang sakit Miho, please leave and be happy. I will help you and I will always here beside you, ayoko 'yong nasasaktan ka."seryosong turan ni Karlie bago nito hinawakan ang aking mga kamay.

"Karlie,"

"If everything falls down I want you to surrender and choose to save yourself from destruction. Ayokong makitang ipinaglalaban mo siya pero sa huli ikaw lamang ang kawawa. Ferris had a girlfriend and I am afraid he will choose her towards you in the end."Karlie said.

"I know Karlie alam ko, alam kong sa huli siya parin ang pipiliin nito. And it hurts me so much knowing that I am just a girl whom he used to be his cover up."I mumbled.

"Alam mo bago pa tayo mag dramahan rito tara na."sabi nito kaya napakunot ang aking noo.

"San tayo pupunta buntis?"sabi ko dahil 6 months na kase  ang kanyang tiyan pero parang 9 months na dahil nga triplets daw ang laman nito. Akalain niyo 'yon.

"Edi kakain, punta tayo sa mall mag food trip tayo!"halos mag sparkle ang kanyang mga mata habang sinasabi 'yon, hindi naman siya tumataba kahit na kumakain siya nang madami. I mean medyo tumaba naman siya pero hindi gaano.

"Kumain na naman Karlie? Tek--KARLIE!"napahiyaw ako nang bigla na lamang niya akong hinatak palabas.


UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon