by: Pyscho_Kreeam
Sawang-sawa na ako makarinig sa salitang isa, dalawa, tatlo...
dahil nakakasakit ng damdamin dahil pang apat ako sa mahal ko.
nakakasawa man pakinggan ang mga paliwanag mo pero hindi ko maiwasang ma-uto sayo.
Oo tanga pa sa tanga pero hindi ko alam ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.
nakikiusap ako pigilan niyo ako, pigilan niyo ako sa pagiging tanga sa mahal ko na kahit alam ko pang-apat lamang ako.
hindi ko maintindihan kung ano ngaba ang ginawa mo kung bakit ako nag kakaganito ginayuma mo ba ako? o sadyang tanga lang ako sayo?
alam ko na sawang sawa na kayo sa paulit-ulit kung sinasabi na tanga ako, tanga ako sa mahal ko pero yun ang totoo, sana masanay kayo sa katangan kong ito.
nakakasakit man sa damdamin pero hindi lang isa, dalawa ,tatlo kundi apat kaming binigyan mo ng motibo upang mahalin ka, pero sino nga ba ang mahal mo? sino nga ba ang nag bibigay ngiti diyan sa labi mo? wag mong sabihin kaming lahat dahil alam ko diyan sa puso mo na isa lang ang nilalaman nito.
Oo nakakatawa mang isip na dinaig pa namin ang 3n1 na kape sa sitwasyon namin ngayon.
Dahil kasalanan ito ng sa mga salitang "the many entry, more chances of winning" na iniidolo ng mahal ko, na kahit akoy nasasaktan sa mga salitang binitawan mo habang tayo'y nag tatalo na isa lamang ako sa mga taong nag pauto sayo at ang tanga tanga ko dahil isang yakap at ngiti mo lang nawawala ang namumuong galit dito sa puso ko.
pero paumanhin mahal ngayon nagbago na ang lahat hindi na tulad ng dati ikay hinahangad,
ngayon iba na ang iyong gusto kundi katulad ng iyong kasarian.
Mahal bakit ka nag kakaganyan? Kaya ba pinag sabay mo kaming apat dahil ba hindi pa sapat ,Sapat sapat na malaman at aminin ang iyong tinatago na pagnanasa sa lalaki na katulad mo?
At ito na ang naging hudyat upang unti-unti kanang iwan ng isang babaeng nagmahal sayo ng tapat.
Pero, pero Mahal sana inamin mo ng maaga at hindi mo na kami sinaktan dahil hindi lang isa,dalawa, tatlo kundi apat kaming sinaktan mo.
"Ha! Lilipas din ang oras dito sa mundo makakalimutan ko din ang mga nakaraan na meron pa tayong ikaw at ako"
Kahit ang mahal ko na matikas at malakas ay naging babaeng parang bulaklak na katulad ko.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
RandomMga halo-halong mga kaisipan at pinagsamang kakayahan sa pag-gawa ng tula na may dinidiin na mga salita.