Diary ng Panget (AVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE - WITH MOVIE ADAPTATION)

2K 12 2
                                    

Title: Diary Ng Panget

Author: haveyouseenthisgirl

Link: https://www.wattpad.com/1112367-diary-ng-panget-available-in-bookstores-nationwide  

Mahirap maging maganda

Bawat galaw mo tinitingnan nila.

Magkamali ka, hindi makakatakas sa kanila mga mata.

Ang mahirap pa, pag gusto mong mangulangot kahit patago...

Hindi mo magawa.

Mahirap maging matalino

Kelangan lahat alam mo. Lahat itatanong sayo.

Lahat gusto mong alamin.

Mismong evolution ng ipis, gusto mong madiscover.

Mahirap maging sikat

Kahit saan ka magpunta, andyan sila.

Sa flash pa lang ng camera nila, hindi na kelangan pa ng ilaw sa gabi.

Wala ka ng privacy.

Lahat inaalam nila, mismong napkin na ginagamit mo gusto din nilang alamin.

Mahirap maging mayaman

Lahat nakadikit sayo.

Lahat nakaasa sayo. Lahat umuungot sayo.

Lahat gusto magpalibre.

Hangga't may singkong duling ka pa sa bulsa, hindi ka nila tatantanan.

Dear Diary,

Today nadapa ako sa may hallway. Walang nakapansin, buti na lang panget ako.

-Eya

PS. Joke lang, nakita at pinagtawanan ako ni Cross, schoolmate kong model ng Bench.

Best Wattpad Stories!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon