Chapter 1: Meet them

1K 16 0
                                    

                    *Luna POV*

"Uy, malapit na" the mysterious voice said. "Ang ano?" bored kong sabi. Ano naman kata kailangan nito. Lately, lagi akong nanaginip ng ganito."Sa academy" Ha? Hakdog! Nue daw? May ano naman sa academy. Diretsuhin mo na. "Oo na didiretsuhin ko na!" Sabi nya

"Wag mong basahin yung nasa isip ko. May bibig ako para sabihin ang nasa isip ko" sabi ko na parang commonsense lang ba."Hays. Ano kasi" sabi ko ulit na hindi na makapaghintay.

"Malapit ka ng makabalik sa Sky Magics Academy." Natuwa ako pero pagkasabi non bigla akong nagising. Hays lagi nalang ako nanaginip ng ganon pero hindi naman nagkakatotoo.

Ako nga pala si Ellara Luna Quilla. Isa akong Royal Blooded Princess. Tanong niyo kung bakit ako nasa Earth? Kasi...nagkagyera sa Underworld kaya pinadala muna nila ako dito sa Upperworld. Doon ako kabilang, isa akong Light Magic Caster.

Naligo nako at nagbihis. Uma-attend ako ng school dito.Pero hindi ako friendly, cold person ako dito. Kahit sa Underworld ganto din ako. Midterms na dito pero baka sa Underworld mga 1 week pa bago magpasukan.

Bago ako umalis ng dorm, tiningnan ko muna yung picture na nasa center table ng dorm ko. Pero inalis ko rin agad yung tingin ko sa picture. Hindi ko maalala kung sino siya, pero lalaki. Pero inalis ko na yun sa isip ko at naglakad papunta sa dorm. Malapit lang naman siya e.

Pero balik sa lalaking yun, hindi ko talaga siya matandaan, pati muka niya. Hindi ko din alam kung bakit nasa dorm ko yon. Hindi ko na talaga siya matandaan. Sabihin niyo na para akong sirang plaka. E anong gagawin ko hindi ko naman talaga siya matandaan.

Hindi ko na napansin na nasa harap nako ng school. 1 hour pa bago magsimula yung class.

Pumunta muna ako sa rooftop para magrelax. 3 hagdanan pa dadaanan ko HAYS.

Nang nasa taas nako, naramdaman ko yung sariwang hangin. Umupo ako sa bench doon.

"Kamusta na kaya si Aurelia?"
"Ano na kaya itsura ng academy?"
Halos 2 years na kasi ako wala doon
Ang huli kong rank Primo e. Hindi naman sa nagmamayabang ako. Pero I swear Primo ako.

Well may tatlo kasing rango sa Academy. First is Primo ayun ung pinakamalakas sa buong academy ayun din yung mga napapadala sa mga Facite o mga dos'(do's) o mga kailangan gawin.(you can say na addicted ako sa mga Latin at Espanol its cool kasi) Second ang Mediocris sila ang mga pumapangalawa sa malalakas sa Academy pero average casters sila. Pangatlo ang mga Inceptor o mga Beginners. Sila yung mga mahina sa Academy they undergo sa Extensive Training. So thats all about ranks sa Academy.

15 minutes nalang mag iistart na yung klase,maka alis na nga. Baka masermonan ako ng Teacher ko. Nakabalik na ko sa classroom at saktong pagkaupo ko ay dumating na si Maam.

[TIME-SKIP~]

Lunch time na, wala naman akong close friends. NI FRIENDS NGA WALA AKO EH CLOSE PA. Kaya kumain ako ng mag-isa. Famous ako sa school dahil sa Academic Achievements ko. Sooo thats that

Pumunta ako sa locker ko. Pagbukas ko ay bumungad sakin ang dami ng love letters. Aaminin ko andami nito araw-araw. Hindi naman sa nagmamayabang. Hindi ba sila nagsasawa, andami non pero ni isa in person na aamin ,walang gumawa.

Nakuha ko na lahat ng gamit ko para sa Afternoon Period pero may nakakuha ng atensyon ko. Isa itong kulay dark purple na note. Kasing kulay ng buhok ko.... so kinuha ko na.

'Pumunta ka sa rooftop, Ellara.'
                             - Aurelia❤

WHAT THE HECK?! ANDITO SI AURELIA?! YEYYY BAKA SUSUNDUIN NAKO NON! YEY EXCITED AKO!( note the sarcasm ) 

Bayaan mo siya may klase pako. PERO NAGUGUTOM PAKO KAKAIN PA KO SA CAFETERIA. bayaan ko siya don. Pake nyo? Nagugutom ako e. Kayo kainin ko dyan e. Goodluck sa paghihintay sakin~

[TIME-SKIP~]

Uwian na. Nasa harap na ko ng gate. Pero parang may nakalimutan ako....... SI AURELIA! Pumasok ulit ako sa school at pumunta sa rooftop.

May nakita akong babaeng may Brown na buhok na nakatayo sa tabi ng railings. Hindi ko na siya kinausap at tumabi nalang sa kanya..... sunod ng sipa. "Leche kang bata ka tagal mo kong pinaghintay dito tapos ginulat mo pa ko bwisit ka!" Sabi ni Aurelia na konting pasigaw. Hay ano ba ,hindi lang napuntahan agad baka hanggang sa ibang ibayo maririnig yung boses mo.

Tinanguan ko nalang baka ano pang masabi ko." Kelan ka nga ba naging interasado sa mga sinasabi ko.." Sabi ni Aurelia at napa buntong hininga. Nagkibit-balikay na lamang ako. "Kelan nga ba, Ellara?" Wait... Pamilyar yung boses na yun ah. Pagtingin ko si...


[To be continued..]

The Skye Magics AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon