( "Hindi kita Iiwan" )
Araw ng pasukan naghanda ako kasi yun na yung chance ko na makausap ko sya.
Nalaman ko din na sa ibang section sya na punta at si Damon naman ay magiging kaklase ko na.
Sa totoo lang natuwa ako dahil magiging kaklase ko na si Damon pero na lu-lungkot din ako dahil sa ibang section napunta si Ryde.
Pagkadating sa school hindi ko agad sya nakita dahil masyadong maraming tao at hindi ko alam kung saan yung room nya kaya hinintay ko na lang na mag recess.
Recess na nakita ko na sya lalo syang gumwapo at tumangkad pumuti rin sya, lahat ng mga kaklase ko pinaguusapan sya dahil lalo raw syang gumwapo.
Pero hindi ko sya makausap dahil nahihiya ako at dinaanan nya lang ako na parang hindi nya ako kilala hindi man lang nya ako nginitian o kaya ay tinignan.
Nasaktan ako sa totoo lang dahil parang nakalimutan nya na lahat ng mga pinagsamahan namin.
Hanggang naging ilang months na pero hindi nya pa din ako pinapansin parang iniwasan nya ako kasi minsan hindi sya magre-recess o kaya ay hindi lalabas sa classroom nila.
Hanggang sa nabalitaan ko na lang na may bago na.
Nasaktan ako dahil maganda, maputi, magaling sumayaw at magaling kumanta si Zoe yung pinalit nya sakin .
Nakikita ko yung mga picture nila sa fb na sobra akong nasasaktan dahil walang wala ako sa pinalit nya.
Pero hindi ko yun inintindi nag patuloy ako sa pag aaral at ginalingan ko.
Hindi na din ako minsan lumalabas sa classroom para hindi ko sya makita.
Hanggang isang araw may performance kami sa MAPEH at kailangan gumawa ng vows naka partner ko si Damon.
Kinilig ako pero mas kinilig ako nung makita ko si Ryde at for the first time nginitian nya na ako.
February 23, 2018 first day ng foundation day sa school namin.
Maraming mga booths na ginawa ang bawat grade.
Mainit at malakas ang sikat ng araw noon. Naka yellow shirt, black pants at naka braid ako.
Ang tagal kong nakatutok sa araw dahil simula 9 nandoon na ako.
Nanga-ngamoy araw at haggard narin ako dahil sa init pero hindi ko pa din sya nakikita.
Kaya napag pasyahan naming magka-kabarkada na pagtripan ang bawat isa na ipa-jailbooth.
(hindi na si Jane Yung kasama ko dito dahil may Ibat ibang friends na kami)
Tuwang tuwa ako dahil syempre makakabawi na ako sa lahat ng pangt-trip na ginawa sakin ng mga kaibigan ko.
Nakuha na yung isa kong kaibigan na si Jean at tawang tawa kami dahil yung kuya mismo ng makakapartner nya ang humuli sa kanilang dalawa at halos buhatin na sya ng limang CAT dahil sa paglalaban nya.
Ang alam ko ay dalawa silang huhulihin kaya ay hinawakan ko na sa isang braso yung susunod na kukunin na si Sherly.
Todo bulong pa ako sa mga kasama ko na higpitan yung hawak sa susunod na makukuha.
All smile ako nung makita ko ng palapit yung isang CAT at nung makalapit na sila ay ang akala ko na hahawakang braso ay sa kaibigan ko ngunit sa akin pala!.
Like WTF wala akong kaide-ideyang ako yung kukunin pala nila.
Shock na shock ako kaya hindi agad ako nakagalaw natauhan lang ako ng makita kong malapit na kami sa may pintuan.
YOU ARE READING
4.0 | His Eyes
Teen Fiction"We used to be a happy young teens Living the life we want, a life full of happiness and love until he decided to turn his back on me. Leaving me miserable and shattered, while still holding our memories all this years." Every time I saw his eyes i...