Grade 7

55 2 3
                                    


(Ibong Adarna)


"Sa una lang yan magiging sweet pag nagsawa na maghahanap na yan ng iba.!"

Yan yung mga kataga na sinasabi ng mga nasaktan o nagmahal.

Pero sa tingin ko tama nga sila dahil akala ko nung una nag sisinungaling lang sila dahil nasaktan lang sila o hindi nila matangap na may mahal ng iba yung taong mahal nila.

Pero tama sila dahil yun din yung ginawa nya saakin.

Pinafall at nung nagsawa na iniwan ako.

Magka-grupo kami noon sa performance noong grade 7 na ibong adarna.

Ako bilang ibong adarna at sya bilang
Juan. Simula noon ay naging malapit kami tuwing practice ay kinakausap nya ko,nagiging gentelman sya at sweet.

Nakakatawa lang dahil noong grade 5 kami para kaming aso't pusa kung mag away. Pero dahil nga nalipat ako ng ibang section noong grade 6 hindi na kami nakakapagusap. Dati nga ehh mayroon pang nagkagusto Kay Ryde pinagtawanan ko lang yung babae at sinabi ko pang tanga lang ang magkakagusto sakanya.

Simula noon tuwing pagkatapos ng practice ay ichachat nya ko kung nakauwi na ba o kung nakakain na ako.

Noong una di ko pa pinapansin yung pagiging sweet at gentelman nya dahil may iba akong gusto.

Kahit na sinabi ko na sakanya na may iba akong gusto hindi pa rin sya tumitigil at paulit ulit na sinasabi na "huwag na lang siya ako na lang hindi kita sasaktan".

Akala ko nagbibiro lang sya o inaasar lang ako kasi pano ka naman maniniwala sa kaaway mo diba?

Pero hindi talaga sya tumigil, na hanggang practice pinapakita nya na may gusto talaga sya saakin at lalo syang nagiging sweet at caring.

Na pati costume ko tinatanong nya kung bakit maiksi ehh konti lang naman ehh malapit na sa tuhod ko ang haba.

Tapos lagi syang lumalapit saakin at sobrang lapit nya kapag umuupo ako.

Minsan ipapatong nya yung ulo nya sa balikat ko o kaya ay titig na titig sya saakin.

Hanggang sa napansin na ng mga ka group namin kaya palagi kaming inaasar sa isa't isa na hanggang sa classroom kumalat na yung balita.

Pero patuloy parin sya na hanggang classroom nagiging sobrang sweet at caring nya na pati recess ko binibilihan nya ako na kahit tumaggi ako tuloy tuloy parin sya.

Minsan nga nagugulat na lang ako sakanya dahil bigla na lang sya magsasabi ng sweet words katulad na lang habang nagpapractice kami noon at sinabi nya na "akin lang yan ahh" sa harap ng mga kagrupo namin at umalis sya habang ako noon naiwan na nakanganga sa mga sinabi nya.

Minsan papalitan nya yung nickname nya sa gc namin ng pangalan ko kaya wala na akong mukhang maihaharap sa mga kagrupo ko.

Minsan din pumupunta sya sa bahay pero kasama nya yung mga iba naming kaklase at sasabihin na napadaan lang sila dahil naglilibot sila at minsan rin hiningi nya yung number ko saakin pero hindi ko binigay kasi hindi pa ako handa sa ganoong bagay kaya sinabi ko na lang na kailangan ko muna kausapin yung manager ko tungkol doon at tinanong nya kung sino yung manager ko kaya sinabi ko na yung ate ko.

Hindi ko naman alam na hiningi nya talaga sa ate ko yung number ko at nagkaroon pa sya ng mahabang interview kay ate Kim.

Halos hindi ko na maiwan yung phone ko dahil bawat oras ay magkachat kami.

Simula umaga ichachat nya ko ng good morning at tatanungin kung kumain na ako o nagpapatuyo ba ako ng pawis kahit halos puyatin nya na ako sa kakachat nya tuwing gabi minsan nga ehh nagtataka ako kung nakakatulog pa ba sya dahil hanggang gabi di sya titigil sa kakachat saakin kapag hindi pa ako natutulog.

4.0 | His EyesWhere stories live. Discover now