Grade 9

31 3 5
                                    

Dedicated to THINNYTINYSMALL

( "Hihintayin Kita" )

The year finally start nakaka-lungkot lang dahil hindi na ako section 1.

Pero masaya pa rin ako dahil makakasama ko sila Maddie at Mia kaya medyo na bawasan yung lungkot ko.

Napag-alaman ko na sa section 1 napunta sina Ate Kim at Damon.

Pero naging kaklase ko rin naman sila makalipas ang ilang araw dahil nilipat kami nila Maddie at Mia sa section 1.

Pagkadating namin doon ay agad hinanap ng mga mata ko si Ryde saktong nagkatinginan kami.

Natutuwa ako dahil nakita nya ako dahil pinaghirapan ko talagang magpaganda para kapag pasukan na mapansin nya ako.

Nagpaputi ako nagtiis rin ako na hindi lumabas buong bakasyon para lang pumuti at mapansin nya ako at sa wakas nangyari nga iyon.

Pero hindi pala iyon magiging dahilan para mabalik namin ang dati.

Ilang buwan matapos ang pasukan puro sakit lang ang nara-ramdaman ko hindi ko inakala na sa isang taong katulad nya ko pa mara-ramdaman ang sakit.

Sa taong naramdaman ko ang halaga at pagmamahal, hindi sa pisikal na sakit ang naramdaman ko kung hindi sa mental at emotional na sakit.

Dahil doon ko na realize lahat na gusto ko na talaga si Ryde noong una palang pero hindi ko lang ma-amin sa sarili ko dahil ayaw kong isipin nya na ginagamit ko lang sya para kalimutan si Damon.

Matapos ang ilang linggo pagkatapos ng pasukan nagkaroon naman kami ng speech choir na magiging performance namin sa English.

At sobrang saya ko dahil magka-grupo kami ni Ryde at ibig sabihin nun ay makikita ko sya at makakasama palagi sa practice.

Ilang araw matapos kong malamang magka-grupo kami sa English performance namin may sinabi sakin si Maddie na mayroon na raw nililigawan si Ryde at nakakausap niya daw yung babae na si Rachel at magkaibigan na daw sila nasaktan ako kasi kaibigan ko si Maddie at alam niyang gusto ko si Ryde pero naging kaibigan nya pa si Rachel at sinabi ni Maddie na kilala raw ako ni Rachel kaya agad kong hinanap sa fb si Rachel maganda sya, famous at sigurado rin akong mabait.

Nasaktan at nagsisi ako kung bakit ko pa nalaman na may nililigawan na si Ryde dahil masaya na ako eh, masaya na ako kasi akala ko mababalik na namin yung dati naming pinagsamahan pero nabigo lang ako dahil sa nalaman ko nasira lang yung pangarap ko na maibalik namin yung dati .

Matapos nun ay paminsan-minsan ko na lang makita si Ryde dahil naba-balitaan kong nagba-bike sya at pumu-punta kung saan saan.

Isang araw hindi ako makapunta sa practice namin dahil maulan at tinatamad ako at parang may pumipigil saakin para pumunta gumawa na lang ako ng dahilan na nila-lagnat ako para hindi nila ako kulitin na pumunta.

Nabasa ko sa gc namin na mala-late si Ryde dahil may pu-puntahan sya hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla sa chat nya pero masama talaga yung kutob ko at ang lakas ng tibok ng puso ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang yun dahil akala ko kung ano lang naman yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

4.0 | His EyesWhere stories live. Discover now