With a Stranger

34.4K 69 0
                                    

Mahal ko ang boyfriend ko. Nagawa na anmin ang lahat na ginagawa ng magkasintahan pati mga gawain ng mag asawa. Alam nyo na iyon. Kasal na ang lang kulang ika nga. Pero masyado pa kaming bata. 22 years old lang kaming dalawa at parehong may trabaho- sya sa isang construction firm at ako naman sa call center.

Call center agent ako dito sa Makati. Dahil Masyado kaming busy na dalawa, bihira na lang kami mag date. Ok lang sana kung bihira lang ang date, kung may sexy time kada labas namin. Kaso wala. Pareho na kaming pagod sa work or nagmamadali para makapahinga dahil may work pa kinabukasan.

Hindi ko naman masabi sa bf ko na gusto kong magkasama kami magdamag dahil ayaw ko na isipin nyang weird ako. Alam mo naman sa 'Pinas, pag babae ang nagyaya, isip agad ng mga tao pakawala. Ano'ng gagawin ko kung tigang na tigang na 'ko?

Kaya ako, nilalabas ko na lang ang frustrations ko sa pakikipag chat. Harmless naman kasi di ako nakikipag video call or skype chat. Di ko rin pinapakita ang aking mukha at lalong di ako nagpapadala ng mga nude pics sa aking ka chat. Landi landi lang gamit ang poser account, ganun. 

Pero nagbago ang lahat matapos ang isang buwang pakikipag chat sa isang estranghero. Narinig ko na rin ang boses nya nang minsan syang tumawag. Inaya nya akong makipag eye ball. Tumanggi ako dahil ayoko mapunta sa delikadong sitwasyon. Sabi ko chat na lang. Pumayag naman sya, pero sa isang kondisyon: SOP daw kami.

Pumayag ako. Wala naman sigurong mawawala kung SOP lang di ba? Di naman nya ako nakikita. 

Sa dalawang linggo naming tawagan naramdaman kong nababawasan ang stress sa aking katawan. Kahit hindi kami totoong magkasama pakiramdam kong sumusungaw ang init at pagnanasa sa kanyang boses. Ramdam ko ang pagkasabik nya sa laman sa bawat pag ungol at buntong hinga nya lalo na pag malapit na sya sa climax.

Aniya, 27 years old daw sya at taga Bulacan. Kung gusto ko daw makipagkita sabihin ko lang daw at gagawa daw sya ng oras makita ako. Sa tuwing sinasabi nya iyon, pakiramdam ko, gustung gusto kong sabihin sa kanya na magkita na kami agad. Minsan, sinabi nya:

"Alynna, sabik na ko makita ka.. ang ganda at seksi mo siguro. Roromansahin kita at makakalimutan mo ang boyfriend mo."

"Sa tingin mo?"

"Pag sinubukan mo ko, baka di ka na tumikim pa ng iba"

"Magaling ka ba?"

"Bakit di mo subukan? Baka nga ngayon pa lang basang basa ka na eh."

"Ang bad mo"

"hmmm.... so totoo? wet ka na Alynna?"

"..."

"alllyyyynaaaahh... ang tamad ng bf mo. pag nagkita tayo sisiguraduhin kong madidiligan ka nang husto."

"mahal ko bf ko."

"eh bakit nakikipagtawagan ka sa akin kung mahal mo? naghahap ka ng variety di 'ba? di naman nya malalaman unless ikwento mo. Ako, ok lang kung ayaw mo makipagkita sa ngayon. pero if ever magbago isip mo, alam mo na gagawin mo. haha"


Para syang ahas na nang aakit sa akin na pitasin ang pinagbabawal na prutas. Pero dahil ako ay tao lang na marupok. Ako'y natukso rin. 

Pumayag ako makipagkita, pero sabi ko sa Laguna para walang nakakakilala sa akin. Pumayag sya.

Nung magkita kami nagulat ako dahil hindi sya mukhang late 20's. Nalaman ko na 42 na pala sya nung kumakain na kami. Aniya, baka daw ayaw ko makipag chat sa mas matanda kaya nagsinungaling sya. Pero hindi naman sya mukhang masama. 

Maganda pa rin ang build ng katawan, maputi, matangkad, at magandang lalaki pa rin naman. Mukha syang mga 35 kung hindi lang sa panaka-nakang mapuputing buhok. 

Nang matapos na kaming kumain ay agad nya akong niyaya sa hotel at dun na namin inilabas ang lahat ng init ng aming katawan. 


Itutuloy....

Laro sa ApoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon