(Note: POV ng isang lalaking may pagnanasa kay Alynna)
Alas singko ng hapon, naupo ako sa terrace ng aming bahay tulad ng nakagawian, inaabangan ang pagdaan ng aking crush. Magmula nang lumipat kami dito sa Barangay Pinagkrusan ay palagi na lang nadadala ang aking atensyon ng isang magandang dalaga.
Morena, sa tantya ko, nasa 5'2 hanggang 5'3 ang taas. Hanggang balikat ang buhok. Payat, ngunit may hubog ang katawan. Sa wari ko, nasa mga 22-23 ang edad. Nasa kasarapan pa.
Ako ay 30 anyos, may asawa, wala pang anak. Electrician ako sa isang shipping company dito sa amin sa Bulacan. Tuwing wala akong pasok, nakasanayan ko na ang tumambay sa aming terrace at manigarilyo. Sa mga oras na yun dumarating si Alynna.
Alam ko namang wala akong pag-asa dahil may asawa na ako at sya'y may nobyo na. Pero, hindi naman masamang magpantasya di ba? Minsan siya ang iniisip ko pag nagsasarili ako. Siguro kasalanan kay misis, pero wala namang nakakaalam di ba? 8
Pero di ko akalain na ang pagnanasa ko kay Alynna ay aapaw at maisasakatuparan ko rin.
Hindi talaga kami close ni Alynna pero isang beses nagkaroon ako ng pagkakataong makausap sya. Apat na bahay mula sa amin ang layo ng kanilang tirahan. Kilalang mananahi ang lola nya. Minsan akong napadalaw sa kanila para magpa-repair ng overall ko ay nadatnan ko syang nakaupo sa may sala, nakataas ang paa sa mesa at nakasuot ng maikling shorts at maluwag na tshirt. Di naman malaswa ang suot nya, at di rin sya nang aakit ngunit may kung ano sa kanya na hihila sa iyo.
Siguro dahil may pagka inosente ang klase ng ganda nya. Ganun din ang pananamit nya- di katulad sa ibang mga babae.
Napatighim ako sapagkat di ko maiwasan na isipin kung paano sya maging naughty.
"Magandang araw po. Anjan po ba si Tita Vi?" tanong ko. Vilma ang pangalan ng lola nya at tita Vi ang tawag sa kanya ng aming mga kapitbahay.
"Wala po dito si Lola ngayon, nasa simbahan, nagnonovena. Kung gusto nyo po balik na lang kayo mamaya" sagot nya. Malumanay at mababa ag boses ni Alynna.
"Ah ganun ba?" Sa pagkakataong ito, sinubukan kong titigan sya nang matagal upang iparamdam sa kanya ang aking pagnanasa na makilala pa siya nang mas mabuti.
Ngumiti sya nang dahan dahan na animo'y may lihim na itinatago. Sa pagtatama ng aming mga mata, naramdaman kong may tensyon sa paligid. Ang kanyang mapaglarong mga ngiti at pagganti ng titig sa akin, at mukhang sa unang tingin ay di gagawa ng masama, ay lalong nagpabilis ng aking pulso. Naramdaman ko ang reaksyon ng aking nag iinit na pagkalalaki.
Hindi sya lumalapit sa akin. Nakaupo lang sya, nakataas pa rin ang paa sa mesa at nakatitig din sa akin. Dun, nilakasan ko na ang aking loob.
"Pag natapos tong pinapatahi ko sa lola mo, ok lang ba, kain tayo sa labas minsan. Nood sine... unwind?"
Napatawa syang malakas, "sorry may bf na 'ko. Di ba may asawa ka na?"
"Oo, pero ha-hang out lang naman tayo. Tsaka di ka ba nabobore dito sa barangay natin?"
"Baka ma-chismis ako, sorry, ha?" nakangiti at parang nanunukso na saad nya. Para bang tinitingnan nya kung hanggang saan ko ipipilit ang gusto ko. Pilit kong piniga ang utak ko para makaisip ako ng creative na paraan para mailabas ko sya.
"Ah sige, tama ka naman, baka nga pag isipan tayo ng mga tao nang masama. Alam mo naman dito, masyadong malisyoso ang mga tao." sabi ko sa kanya. Nirereverse psychology ko sya para naman sya ang lumapit sa akin. Ngunit nabigo ako.
"Great! Buti naintindihan mo ako," nagulat ako na hindi bumenta sa kanya ang strategy ko. Kaya naman nung bumalik ako nung gabi para iparepair ang damit pantrabaho ka sa kanyang lola ay diniretsa ko na sya.
Nakita ko sya sa likod bahay, mukhang may katawagan. Malamyos ang boses nya na animo'y nang-aakit. Kausap siguro ang boyfriend. Nilapitan ko upang marinig ko nang mas malinaw ang kanilang usapan. At di ko inaasahan ang aking narinig...
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Laro sa Apoy
RomansaHindi ma-satisfy si Alynna sa kanyang boyfriend kaya pumatol sya sa isang estranghero. Ano ang kahihinantnan ng kanyang munting sexcapade?