Chapter 1

22.9K 375 27
                                    

"Ma! Hindi na po ako bata... Kaya ko na pong mag-isa dito sa bahay..." pag-kontra ni Allyson sa Mama nya. May aasikasuhin ang Mama at Papa nyang negosyo sa ibang bansa kaya maiiwan na naman syang mag-isa. Ayos lang naman yon sa kanya pero hindi para sa magulang nya. Twenty years old na sya at kaya na nyang mag-isa kahit sa napakalaking bahay nila pero hindi pumayag ang magulang nya lalo na ang Mama nya.

"No buts, baby... Kung ayaw mong ikaw ang pumunta sa condo ni Vince, sya na lang ang papupuntahin ko dito..." nagpuppy face sya sa Papa nya pero umiling lang ito at sinulyapan ang Mama nya. Ganito naman lagi eh, hindi kayang kontrahin ng Papa nya ang Mama nya dahil ayaw nitong nagkakatampuhan. Her Papa loves her Mama so much. At ganun din ang Mama nya. Her parents are good example of a perfect couple.

"Pumayag ka na, princess. Makakampante kami ng Mama mo na lagi kang ligtas pag kasama mo si Vince. Para hindi na kami laging nag-aalala para sa safety mo..." segunda ng Papa nya. She sighed heavily at pilit na ngumiti sa Mama nya.

"Sige po, Mama. Payag na po ako. Ako na lang po ang pupunta sa condo ni Vince..." pagpayag nya dahil wala din naman syang magagawa. Sinubukan nya lang namang kumuntra at baka makakalusot pero hindi pa din pala. Hindi nya alam kung bakit sobrang laki ng tiwala ng magulang nya sa binata. Kulang na lang ay ibigay sya ng mga ito kay Vince. Simula ng maging ganap na syang dalaga at naka-alpas sa pagiging mentor de edad ay napapansin nyang parang ipinagkakatiwala na sya ng magulang sa binata. Simula noong mag-eighteen sya hanggang sa ngayon.

Kababata nya sina Vince at Keane. Magkakasama na sila simula pagkabata at halos dikit silang tatlo lalo sya kay Vince. Halos kilala na nya ang dalawang binata at kahit na ang kalokohan at kapilyohan ng mga ito ay alam na nya. Pero simula ng magdalaga sya at tumuntong sa edad na kinse o labing-lima, medyo dumistansya sya kay Vince dahil sa meron  syang ibang nararamdaman pag masyado syang nakadikit dito. At nakakaramdam na sya ng ilang sa tuwing nakikita nya ang hubad nitong katawan na dati naman ay hindi nya nararamdaman kahit na makita pa nyang naka-brief ito o kaya naman ay wala ni isang saplot. Minsan na nya itong nakikitang hubo't hubad dahil sa sana'y na itong mag-isa sa condo nito sa murang edad kaya kahit mglakad ito ng wakang saplot ay ayos lang, at yon ang nakita nya. At ilang beses pa yong naulit dahil sa natutulog itong walang saplot o kaya naman ay naka brief o boxer brief lang.

At simula nga ng nagbinata din ito ay may ilang bagay na syang napansin sa binata. Sa mga kilos nito, sa bawat titig sa kanya at sa pagiging sweet at clingy nito minsan. At higit sa lahat ay ang pagawa nito ng mga bagay na kalimitang ginagawa ng kabataan because of the curiosity... pleasuring himself. Naiintindihan naman nya yon dahil part yon na pagiging binatilyo sabi nga nila. Minsan nya itong nahuli kaya alam nya while watching X-rated videos. Ilang na ilang ang binata sa kanya at hiyang hiya ng ilang araw. Pero sinabi nya ditong hindi nito dapat ikahiya ang ganung bagay dahil naiintindihan naman nya at alam nyang active sa ganun ang mga nagbibinata. Tuwang tuwa ito dahil nag-kaayos sila at simula noon hindi na nya muling nakita itong naggaganun. Ganun ang naging buhay nya ng kabataan nya kasama ang binata. At ngayon ngang nasa wastong edad na sila, hindi nya alam kung anong mangyayari.

My Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon