Chapter 3

15K 282 11
                                    

The next day, nagising si Allyson dahil sa mabigat na nakadantay/nakapatong sa ibabaw ng tyan nya. Maging ang mga binti nya ay hindi nya maigalaw dahil parang may nakadagan din. At may nararamdaman din syang hangin na tumatama sa leeg nya na nagbibigay sa kanya ng kiliti. And when she opened her eyes, medyo nagulat sya ng mukha ni Vince ang nakita nya na nakasubsob sa leeg nya. Ang mga braso nito ay nakapulupot sa bandang ibaba ng dibdib nya at nakapatong naman sa lower part nya ang binti nito. Sa madaling salita nakakulong sya sa bisig ng binata at wala syang magiging takas kung gugustuhin man nya. Hindi nya akalain na magiging ganun ang pwesto nila dahil ibang iba yon kagabi bago sila matulog. Wala na ang pillows na nasa pagitan nila at maging ang comforter nila ay iisa na at ang nakakabilib ay sukob na lang sila.

Biglang nag-init ang mukha nya ng silipin nya ang loob ng kumot nila ng makita nyang tanging boxer briefs lang ang suot nito. Hubad baro ito kaya ramdam na ramdam nya ang init ng katawan nito na lalong nakakapagpainit sa nararamdaman nya. Kaya pala may kakaiba syang nararamdaman sa hita nya yon pala ay nakadantay doon ang gitnang bahagi ng binata at ramdam na ramdam nya dahil siguro sa morning arousal nito. Napalunok sya ng bigla itong gumalaw at lalo pa syang hinapit palapit sa katawan nito. And she was caught off guard sa ginawa nito habang nakapikit pa rin ang mga mata. He kissed her.

"Honeyyy..." anas nito habang hinahalikan sya habang nagsisimula ng lumikot ang kamay sa katawan nya. Nanatili lang syang gulat habang nakatingin sa nakapikit nitong mata. Damn! He's kissing her while he's still sleeping. Mukhang nananaginip ito at sya ang napapanaginipan. Napasinghap sya ng dumapo ang kamay nito sa dibdib nya at bahagyang pinisil yon. Dahil sa gulat nya ay naitulak nya ito kaya nahulog ito sa kama dahil napalakas ang pagkakatulak nya. Oooppss!

"Damn! Ouch, my back!" dinig nyang daing nito bago tumayo hawak ang likod na nasaktan. Nakangiwi ito at umupo sa kama na hindi man lang sya tinatapunan ng tingin.

"Honey!" gulat na wika nito ng napalingon ito sa gawi nya. Napatayo ito sa kama at mabilis na kumuha ng unan at itinakip sa tapat ng crotch area nito.

"Damn! It means, hindi ako nananaginip? Shit! I'm sorry honey, I thought it's just part of my dream..." mabilis at tarantang wika nito at hindi malaman kung lalapit o yayakapin sya. Mabilis nitong sinuot ang boxer short nito at muling sumampa sa kama.

"Pasensya na tala—"

"No, it's okay, Vince. Alam ko namang hindi mo sinasadya..." putol nya sa sasabihin nito. Inayos nya ang suot na pang-itaas at kita pa nya ang pagsulyap nito sa dibdib nya at ang pagtaas baba ng adams apple nito. Mahigpit din ang hawak nito sa throwpillow na nasa kandungan nito. Umalis sya sa kama at nagpaalam dito.

"Sige. Bababa lang ako para magluto ng breakfast natin..."paalam nya para makaiwas sa kakaiba na namang pagtitig nito sa kabuuan nya. Hindi pa ito nakakasagot ay lumabas na agad sya ng kwarto dahil hindi maalis ang malagkit nitong titig sa kanya. Na para bang hinuhubadan na sya at hindi nya kaya ang malagkit nitong titig at baka mawala sya sa control ng katawan nya. Baka sya pa ang makagawa ng inaasahan nyang dapat na ito ang unang gagawa.

Pagkababa nya ay nagluto lang sya ng usual na kinakain nila for breakfast. Fried rice, egg, hot dog, ham and bacon and especially hot coffee. Habang nagluluto ay nanariwa sa alala nya ang sinabi sa kanya ni Vince. Kung papaano ito nagtapat sa kanya na sya gusto nitong pakasalan. So it means na totoo lahat ng bawat pagpaparamdam nito sa kanya noon pa. Mabuti na lang at napigilan nya kahapon ang sariling mapatili dahil sa kilig sa mga sinabi ni Vince. Hindi naman sya manhid, marunong lang talaga syang magtago ng emosyon at nararamdaman. Lalo na at pag tungkol kay Vince. Dahil noon pa man ay humahanga na sya sa binata. At habang tumatagal yon ay lumalim na mahihirapan na syang makaalis kung ipipilit man nyang umalis. Hindi lang nya ipinaparamdam at ipinapakita sa binata dahil baka lalo itong hindi makapagtimpi at hindi ma-control ang sarili at ganun na din sa kanya pag nalaman nito. Syempre sino pa ba naman o ano pa ang makakapigil dito kung ang magulang nga nya ay ipinagkatiwala na sya dito. But she understands them. Dahil kapakanan lang naman nya ang iniisip ng mga ito at swerte sya dahil si Vince yon, ang taong pinagkatiwalaan ng mga ito. Ang taong mula pagkabata ay karamay na nya, kahit away-bati sila pareho naman silang may pagpapahalaga sa isa't isa. And that is the most important for them. Caring for each other.

My Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon