Chapter 5

16.1K 283 68
                                    

After their awkward breakfast dahil sa ramdam ng dalaga ang matiim na titig ng binata ay sabay na din silang nagtungo sa University na noon pa nila ginagawa kahit na hindi sa penthouse ni Vince si Allyson natutulog. Hindi nya alam noon kung bakit ito ginagawa ng binata pero dahil sa sinabi at ginawa nito kagabi ay alam na nya. It's part of his 'pahaging' na hindi naman nya pinapansin noon. But now, alam na nya at parte din siguro ito ng pambabakod nito sa kanya. Vince's possessiveness...

Katulad kanina sa dining room, tahimik pa din si Allyson sa loob ng sasakyan. Wala syang lakas ng loob na basagin ang katahimikan kahit alam na nyang naninibago sa kanya ang binata. Kanina pa sya nito sunusulyapan na hindi naman nya binibigyang pansin. Bahala sya sa buhay nya...

"Bakit ang tahimik mo yata ngayon?" wika nito ng hindi din nakatiis. Malayo layo pa sila sa University dahil sa natraffic pa sila na hindi na nya ipinagtaka dahil nasa Pilipinas sya. Natural na dito ang traffic anytime and anywhere.....

"Eh ano namang gusto mo, mag-ngangawa ako dito ng walang katuturan?" pagtataray nya dito na ikinitawa nito ng bahagya. She rolled her eyes at him...

"Hindi naman... Kailan mo nga pala ako sasagutin? Oopss! Mali pala... Whether you like it or not girlfriend na pala kita... balak nya sana itong deadmahin pero mabilis syang napalingon dito dahil sa huling sinabi nito. Girlfriend!!

"What!?" sigaw nyang hindi makapaniwala dito.
"Ang kapal naman ng mukha mo! Ni hindi ka pa nga nanliligaw tapos girlfriend muna agad ako...
Wow! Ang galing mo din Mr. Alcantara!" sigaw nya dito na ikinangiwi nito at bahagya pang napakamot sa batok. So cute...

"Kailangan pa ba yon?..." nakangiwing wika nito. Masama nya itong tinignan.

"Aba, syempre naman!" matalim pa din ang matang wika nya dito.

"Pero matagal na naman tayong magkakilala at wala na naman akong maitatago sa'yo at ganun ka din sa akin... At isa pa ang alam kung panliligaw ay para lang to get to know each other na hindi na naman natin kailangan...So girlfriend na kita at wala ka ng magagawa don." Napanganga na lang sya sa sinabi nito. Sabagay may point naman ito at masusubukan din naman nya ang nararamdaman nito kahit magbf-gf na sila. Nabalik na lang sya sa kasalukuyan ng may maramdaman syang lumapat sa labi nya at hindi na sya nagulat ng makita nyang hinalikan sya ni Vince.

"What was that for? Bakit basta ka na lang nanghahalik?" ismid nya dito na ikinatawa nito ng marahan. Nakangiti sya nitong tiningnan at kinindatan na ikinapula ng mukha nya.

"Nothing, honey... I just want to seal it with a kiss... this day is our first day of being couple so I kissed you..." nakangiti pa ding wika nito habang tutok ang mata sa daan.

My Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon