Mabuti na lang dahil pinayagan ako ng visor namin na hindi muna ako papasok ngayong araw. Dapat naman talaga ay restday namin ngayon. Mataas ang demand ng company ngayong buwan kaya halos wala kaming pahinga. Kapag ganitong panahon ay talaga namang hindi uso sa kompanyang pinapasukan ko ang restday. Buti na lang talaga mabait si Sir Chris kaya pinayagan niya ako, may tatlo pa naman kasing encoder at kakayanin naman nila kahit wala ako.
Andito rin nman si Kuya Rick, ang boyfriend ni Ate Tina. Kahit paano may katulong kaming naglilipat ng mga gamit dito sa bahay.
"Ate, ang dami na pala nitong mga gamit natin. Grabe! Naipon na."
Napansin ko kasi na halos mapuno na ang sala tapos mayroon pang nasa labas. Hindi na namin alam kung paano naipon ang mga gamit namin, e dalawa lang naman kaming magkasama sa bahay.
"Oo nga. Mabuti na lang dahil malaki rin naman itong bahay para sa ating dalawa, may paglalagyan tayo ng mga gamit na iyan. Compared mo roon sa dati nating apartment, maliit na, wla pa tayong sariling C.R. tapos mahal pa ang monthly. Mabuti nga't sa atin ibinigay itong bahay... ayaw kasing paupahan ng may-ari itong bahay kapag isang pamilya raw ang titira. Dalawa lang naman tayo kaya sa atin na ibinigay."
"Ah, ganun ba? Bakit naman daw? " tanong ko kay ate. Bigla akong napaisip, ibang klase! Mayroon palang gano'n, namimili nang uupa. Astig, ah!
"Ewan ko rin, insan, hindi ko na tinanong, eh," sagot naman ni Ate Tina.
"Malaki nga itong bahay para sa atin, aalog-alog tayo rito. Pwede pa tayong maglaro nang habulan dito, eh!" Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng bahay. Malawak ang salas, mayroong isang kuwarto, banyo at kusina. Kapag naiayos na namin ang lahat ng mga gamit ay siguradong maganda ang kalalabasan.
"Baliw ka talaga, insan!" natatawang sabi ni Ate. Matanda ka na pero isip bata ka pa rin!"
Baliw agad! Isip bata agad? Bawal nang magbiro! Gano'n? Sadya namang kahit maghabulan kami rito ay puwedeng-pwede.
"Kung gusto mo 'di kayo ni Kuya Rick, pwede kayong maglaro ng taguan dito!" Bigla akong natawa sa sarili kong kalokohan, ang sarap kasing asarin ni Ate, eh. Nanlaki na naman ang butas ng ilong niya.
"Praning ka talaga! Doon ka na nga! Magkabit ka na lang ng mga kurtina nang may maitulong ka naman!" Sabay hagis sa akin ng mga kurtina. Jusko! Kanina pa ako may ginagawa, hindi niya ba nakikita? Umi-style lang itong si Ate, eh. Hmm...
Pagbigyan na ang matanda. Dahil mabait naman ako at sexy kaya ako na lang ang magkakabit ng mga kurtina. Wala rin naman akong magagawa, dapat kasi palaging sumusunod sa nakatatanda. Bilin 'yan ng lola kong nasa probinsya, eh.
Habang ikinakabit ko ang mga kurtina ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. Sobrang tahimik kasi nitong bago naming tirahan. Wala na iyong maiingay na mga sasakyan sa labas. Mayroon din naman kaso mangilan-ngilan lang ang mga sasakyang napapadaan dito sa tapat namin.
Malayo na ako sa gimikan, sa mga mall's, pati padispoint wala na. Walang night life dito, hindi tulad sa Balibago, lalakarin mo lang kapag gigimik ka. Para na tuloy akong bumalik sa probinsya namin. Paano ba naman kasi, iyong tapat nitong boarding house namin sa kabila ng kalsada ay isang malawak na palayan. Napansin ko iyon kanina noong dumating kami rito.
Nakita ko rin kanina iyong malaking puno ng Mangga at malaking ilog doon sa likod nitong bahay. Ang sabi kasi ni Ate, doon sa likod itambak iyong mga kahon na pinaglayan namin ng mga gamit.
May malalagong puno ng kawayan akong natanaw roon sa dulo ng likod bahay, medyo creepy lang. Ayaw ko kasi ng kawayanan.
Apo, 'wag kayong lalapit at maglalaro doon sa kawayanan, ha? Maraming ahas na nakatira doon at mga nilalang na hindi n'yo nakikita. Mahirap na, baka magambala n'yo sila.
Bigla kong naalala ang lola ko. Iyon ang madalas na bilin niya sa akin noong bata pa ako. Minsan nakakatakot din talaga ang mga sinasabi niya pero nasanay na rin ako sa kanya. Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga multo o kaya mga elemental creatures. Sabi nga, to see is to believe!
"Aminin mo na kasi... tulo laway ka na naman! Nakita mo lang abs ko, e! " si Kuya Rick, nag-aasaran na naman silang dalawa ni Ate Tina.
"Ang kapal! Puro naman taba 'yang nasa katawan mo, oi. Wala akong makitang abs d'yan!"
Napailing na lamang ako habang naririnig ko ang lambingan nilang dalawa. Natatawa na lang ako, wala rin akong makitang abs kay Kuya Rick. Mayroon ba? Saan kaya banda?
"Wala ka d'yan! Oh, tingnan mo, hawakan mo pa kung gusto mo!" Ang lakas mang trip ni Kuya Rick, rinig na rinig ko ang malutong niyang tawa mula sa loob ng kusina.
"Magtigil ka nga d'yan, Ricky! Ang sagwa, eh... baka 'di kita matancha! Umayos ka!"
"Kiss mo muna 'ko!"
Jusko! Pag-umpugin ko kaya silang dalawa baka kung saan pa umabot ang mga naririnig ko. Ang lakas mang-inggit, eh.
"Eww! Ayoko nga. Ayusin mo na lang iyang lamesa at mga upuan nang matapos na tayong mag-ayos para makapagluto na ako," rinig kong sabi ni Ate.
Malapit na din akong matapos dito sa ginagawa ko. Paglingon ko sa gawi ng kuwarto ay nakita ko si Ate Tina na pumasok sa loob.
Nang tingnan ko ang aking relong pambisig ay ala-singko na nang hapon, aabutin na kami ng gabi sa pag-aayos ng bahay. Nai-ayos ko na rin naman pati ang sofa rito sa salas. Nakapagwalis na rin ako at naikabit ko na ang mga kurtina. Iyong kuwarto na lang ang aayusin namin ni Ate mamaya.
Naisip kong maligo muna dahil pakiramdam ko'y nangangati na ang buong katawan ko. Pagpasok ko sa kwarto para kumuha ng towel ay bigla akong natigilan. Nakita kong pumasok dito si Ate Tina kanina, at hindi ko pa siya nakitang lumabas ng kuwarto. Paanong wala siya rito? Ang buong akala ko ay nag-aayos na siya rito. Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan kaya tumakbo na lang ako palabas, ni hindi ko na nakuha ang tuwalya sa aking maleta.
Pagdating ko sa kusina ay nandoon naman si Ate at nagluluto, si Kuya Rick ay nag-aayos ng mga pinggan sa lagayan. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Ate, pumasok ka ba sa kuwarto kanina?" tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang lumingon sa akin at umiling.
"Hindi, insan, bakit?" tanong niya.
Shitte! Ano 'yong nakita ko! Shocks!
Sino 'yong nakita ko kanina? guni-guni ko lang ba 'yon? Baka namamalik-mata lang ako. Hay! Baka nga, gutom lang ito!
ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
BOARDING HOUSE (completed)
ParanormalKaya mo bang tumira sa isang bahay na hindi lang pala ikaw ang nakatira? Paano kapag hindi lng pala kaluluwang ligaw ang kasama mo, paano mo tutuklasin at haharapin ang mga bagay na hindi pangkaraniwan sa paligid mo? Makakaya mo kaya? O aalis ka n...