Chapter 6

149 5 5
                                    

"Guys! Kumain muna tayo bago kayo mag-sing along d'yan!" tawag ko sa kanila. Nagkakasiyahan na kasi agad ang mga bruha.

Agad naman silang nagsitayuan.

"Yay! Gutom na rin ako. Lafang muna tayo, guys," sabi ni Florence.

"Taralets, mga besh!" muling tawag ko.

Tumayo na rin sina Mae, Mylene, Rosie at Jen. Sumunod sila sa amin ni Florence sa kusina, habang si sheena, levy, grace at loriene naman ay may bitbit ng pagkain papuntang sala. Napangiti na lang ako. Sabagay, hindi kasi kami kasya sa loob ng kusina.

"The best ka talagang magluto, Precious. Ang sarap naman nitong tukwa't baboy na ginawa mo," komento ni Mylene. Sunod-sunod ang subo nito sa ulam at ang isang kamay ay naka-thumbs up pa.

"Dahan-dahan lang, baka mabulunan ka!" Natawa na lang ako habang pinagmamasdan siya.

"Aye! Puwede na ngang mag-asawa 'yan eh!" sabat naman ni Mae, sabay ngiti sa akin.

Sa totoo lang, masaya talaga ako sa mga papuri nila. Pero, bukod doon ay mas natutuwa ako kapag nakikita kong nakangiti sila, para bang natatanggal ang mga kalungkutan ko sa buhay na hindi ko maibahagi sa kanila.

"Sus! Kumain na nga lang kayo. Baka lumaki lalo ang ulo ko sa mga papuri n'yo," sagot ko naman sa kanila. Muli kong ipinagpatuloy ang aking pagkain na may ngiti sa mga labi.

"Ahm, maiba lang ako. Hindi ba kayo natatakot sa boarding house na ito? Kayong dalawa lang ng pinsan mo rito, 'di ba?" tanong ni Rosie.

Ibinaling ko ang aking tingin kay Rosie, at nahuli ko siyang sinusuyod nang tingin ang palibot ng kusina.

"Hindi naman, safe naman dito...'yon nga lang malayo sa mall, pero okay lang naman," sagot ko. Nang ilibot ko ang aking paningin sa kanilang lahat ay sa akin na pala nakatuon ang kanilang mga mata.

"Bakit? Sobrang ganda ko ba talaga't lahat kayo nakatingin sa 'kin?" natatawang tanong ko sa kanila.

Ang epic naman kasi ng mga mukha nila, lalo na si Rosie. Nahuli ko pa silang nagtinginan ni Mae. Ano'ng mayroon sa dalawang 'to?

"Wala ba kayong ibang nararamdaman dito?" tanong naman ni Mae.

Natawa ako. "Anong ibig mong sabihin?" Medyo nagulat lang ako sa tanong niya.

Biglang tumikhim si Mae, "Like... something creepy, ghost, mumo, white lady or black lady?"

Malakas na tumawa si Florence dahilan para mabaling ang atensiyon namin sa kanya. "Naniniwala ka sa mga ghost? Seriously? Sa mga movies at horror books lang meron niyan!" turan niya.

"Agree ako d'yan, besh... unless, magparamdam sila sa atin ngayon, baka maniwala pa ako!" pagsang-ayon naman ni Best, kasunod ay ang malutong niyang tawa.

Pumalatak ako, "Tama na nga 'yan, baka magdilang anghel ka, at bigla silang magparamdam sa 'tin," sabi ko sa kanila. Mahirap na baka magkapikunan pa sila at masira ang birthday ni Florence.

"So—it means... meron ngang multo rito?" tanong ni Mae na nanlalaki ang mga mata.

Natawa ako. "Wala! Nagpapaniwala ka sa mga ganyan." Hindi naman talaga  ako sure kung mayroon ngang multo or what  dito sa bahay. Pwede kasing iyong mga narasan ko noong mga nakaraang linggo ay dala lamang nang malikot kong imahinasyon, guniguni lang kung baga, wala pang proof na totoo. Isa pa, hindi ako basta naniniwala sa ganyan.

Mayamaya ay biglang sumigaw nang malakas si Best, dahilan para mapalingon kaming lahat sa kanya.

"Putang-ina ka!" malutong na mura niya, sabay lundag mula sa kinauupuan.

BOARDING HOUSE (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon