Chapter 3 - School Day

1.5K 24 5
                                    

I know na nabitin kayo last chapter, haha. Enjoy.

*****

Nagsimula ang klase ni Ms. Marimel Arsenue. Ang teacher sa Filipino ng S-Class Grade 8. Matalino, napapagod at tinatamad rin ang mga estudyanteng ito na makinig ng paulit-ulit kay Ms. Arsenue at sa kanyang lessons. Sa mata ng kanilang guro ay pawang naghihintay nang mga ito na mag-ring ang school bell.

Sa pangapat na upuan sa likuran malapit sa bintana ay makikita si Mikhaila ang bagong transfer sa school nila. Kahit nakaupo ay halatang may malalim na iniisip siya, dahil uniform-free ang S-Class ay naka blue siyang blouse na pinatungan ng itim na blazzer at itim na shorts sa baba at high-cut sneakers. Meron rin siyang katabing isang pang  babae na bagong classmate rin nila. Siya si Joriel, ang Student Council President. Nilipat siya ng chancellor para meron ding makakasama si Mikhaila sa S-Class dahil sa kadahilanang all boys ang mga kaklase nito kaya nareconsider si Joriel na malipat dito na galing sa A-Class Grade 8.

"Sis, meron kang wipe-out?" Tanong ni Joriel kay Mikhaila.

"Wala ako eh, ask mo na lang si Lance kung meron po." Bulungan nilang dalawa.

Pagtingin ni Joriel kay Lance sa kaniyang harapan ay nakita nito ang penpouch nito sa desk kaya naman kinalabit niya ito.

Si Lance Agbuya ay hindi kataasan ang height, pero kataasan naman ang talino lalo na sa Math. Quite nerdy pero ang cute at magalang rin. Masipag na bata at magaling siya sa reporting. Merong silang sikat na farming business na nagaangkat ng mga gulay sa ibat-ibang panig ng Pilipinas. Alam niya mostly ng math formula ng Algebra dahil na rin sa family business kaya nagustuhan niya ang mathematics.

"Lance." Pagkalabit niya rito, ngunit di humarap si Lance.

Humarap si Lance sa kanya.

"Ssh, wag kang maingay, kanina pa kayo napapansin ni Ms. Arsenue." Tinignan niya ng masama si Joriel.

"Tatanungin ko lang kung meron kang wipe-out, isyu ka?" Pinandilatan ni Joriel si Lance. (Isa sa personality ni Joriel ang pagiging matapang dahil na rin sa pagiging Student Council President niya.)

Binuksan niya ang penpouch at kinuha ang wipe-out at binigay agad kay Joriel. "Ito na."

Tumango naman si Joriel at bumalik sa kanyang pagsusulat habang si Mikhaila ay nakatingin sa labas ng bintana. Si Lance naman ay todo take-down notes.

Ilang minuto pa ang lumipas ng tumunog na ang school bell. Naghiyawan ang ilan nilang mga kaklaseng lalaki at napabuntong-hininga naman ang iba. Unti-unti nang naglabasan ang mga estudyante sa silid para mag-lunch.

Ilang sandali pa ang nakalipas at nagsigawan ang mga kababaihan dahil dumating na sila. Ang mga kinababaliwang kalalakihan ng SDA. Ang hearthrob ng campus nila ang HouseOfKyut. Merong maintenance ang S-Class canteen kaya sarado muna ito kaya napagusapan nila na sa main canteen na lang kumain.

Lumalakad na silang lima patungo sa canteen bitbit ang kanilang mga bag at suot-suot na mga fashionable na damit na parang mga Kpop artist na bagay na bagay sa kanila. Parang nagslow-motion ang galaw nila sa mga kababaihan dahil parang tumitigil ang kanilang mundo sa kanilang presensiya.

Pumunta sila sa isang table at doon kumain. Maya maya may dumating dalawang studyante.

"Yow, kumusta na pala?" Bati ni Paul sabay ginulo ang buhok ni Diedre.

"Hey, zup guys." Pakyut ni Hosef din sa kanila.

"Nice Paul!" Sambit at tinaas ni Eddmhon ang kanyang dalawang kilay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

House Of KyutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon