Update no.13

1.7K 12 1
                                    

Palapit  na kami ng palapit sa bahay namin.. Natatanaw ko na ang kotse nila mama at papa.. Ibig sabihin, nandyan na sila mama at papa.

"Teka! Hinto mo muna Rai!" Sigaw ko.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Rai

"Nandyan na sila mama at papa." sagot ko

"Eh ano naman?"

"Anong 'ano naman'? Natatakot ako Rai. Paano pag nalaman na nila? Ano nalang magiging reaksyon nila? Paano kung itakwil nila ako?! Hindi pa ako-----" nanginginig ako habang kausap si Rai..

"Mas mabuti nang sabihin sa kanila habang maaga pa.. Kaysa malaman pa nila sa iba.. Hindi natin panghabang-buhay na matatago yan, lalaki yang tiyan mo.."

"Pero..."

"Nandito naman ako eh.. " Hinawakan niya ang kamay ko..

Pinark niya ang kotse niya sa gilid ng bahay namin.. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.. Kulang nalang ay lumabas ang puso ko mula sa aking dibdib dahil sa kaba.. Pinagpapawisan ako ng malamig..

(author: Natatae ka lang yata Drea eH!!! Hahaha. Joke. K, serious mode tayo ngayon.)

"Rai, natatakot ako.. Lalo na kay papa.. Parang hindi ko kaya Rai.. Sasabihin ko na ba talaga?"

"Drea, hindi lang ikaw ang magsasabi.. Kundi TAYO Drea.. Di ba nga ating yang batang yan.. Nasa dugo niya ang dugo ng Feliciano.. Magiging isang mabuting AMA ako sa kanya.. MAMAHALIN KO SIYA NG BUONG-BUO. Ibibigay ko lahat ng makakaya ko."

"Rai..." Mahina lang ang pagkakasabi ko pero halatang nahihirapan sa sitwasyon...

Kinakabahan ako pero unti-unting nawawala ang kaba na iyon dahil sa mga sinabi ni Rai..

Masaya ako dahil tanggap niya ng buong puso ang anak namin..

Kahit na hindi niya ako mahal, masaya parin ako dahil ginagampanan niya ang responsibilidad niya sa akin at sa magiging anak namin..

"Huwag ka ng umiyak. Sige ka! Pati yung baby natin iiyak na rin." Childish tone na pagkakasabi ni Rai. Medyo nagulat ako sa pagkakasabi niya kasi hindi naman siya ganito.. May pagka-badboy at playboy type kasi siya.. Ngayon ko palang siya nasisimulang makilala... Pero unti-unti na akong nagiging komportable sa kanya.. 

Lumabas na kami ng sasakyan. Bago kami pumasok sa gate ng bahay namin ay huminga muna ako ng malalim.. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko.. Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan dahil sa paghawak niya sa kamay ko.. I feel secured.. Kahit papano aynabawasan ng kaunti ang kaba ko.

Nagdoor bell ako at agad naman itong binuksan ni Yaya Rose..

Si Yaya Rose, parang nanay ko na din yan.. Simula pa nung bata ako, siya na ang nag-aalaga sakin kapag wala sila mama at papa.. Kaya pamilya narin ang turing namin dyan kay Yaya Rose..

"Drea, Hija.. Kanina ka pa hinihintay ng mama at papa mo.. Sino itong gwapong kasaman mo hija?  Siya ba ang boyfriend mo hija?" Sabay turo kay Rai..

Hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil hindi ko naman siya boyfriend.. Yaya talaga ohh..

Tumingin lang ako kay Rai.. Tapos nag-smile lang siya kay Yaya Rose..

"Ayy nako kayo talagang mga bata kayo... ayy sige pasok na kayo.. Drea, paupuin mo muna siya at tatawagin ko ang mama at papa mo.. Dadalhan ko narin kayo ng meryenda," tapos nun ay umalis na si Yaya..

Kami nalang ni Rai ang naiwan sa Living room..

"Yung kanina nga pala, si Yaya Rose yun.. Siya nag-alaga sa akin mula nung bata pa ako.. Mabait yun.." Tapos nagsmile ako sa kanya..

Nag-nod lang siya

tahimik lang kami sa living room..

.....

Rai's POV

"Oh! Anak, andito ka na pala! Kanina ka pa namin hinihintay.. Siya ba yung kaibigan mo?" Mama ni Drea yung nagsalita.. Obvious naman kasi Anak ang tawag sa kanya.. hehe..

Bumitaw na ako sa pagkakahawak sa kamay ni Drea. awkward kasi >___<

"Ahmm...o-opo ma.. Si Rai po..."

"ah. Tara, kain na tayo sa dining. Tara hijo!"

Hindi masyadong nagsasalita ang papa ni Drea.. Pero mukang mabait naman kasi nakangiti sya sakin.. Nakakaramdam tuloy ako ng pagkakonsensya ngayon..

Paano pag sasabihin na namin? Ano nalang ang mararamdaman nila? Hays!

"Anak, binilhan ka namin ng Carbonara.. Diba favorite mo yan?" sabi ng papa ni Drea..

Hindi ko maintindihan si Drea.. Parang biglang sumama ang pakiramdam niya.. Eh diba favorite niya yun?

Nagtatakbo siya papunta sa CR at sinundan ko naman siya.. Naiwan niyang nakabukas yung pinto ng CR kaya naman kitang kita ko kung paano siya sumuka.. Pagkatapos ay naghilamos na siya at gumamit ng mouth wash.. Ngayon ko lang namanlayan na sumunod rin pala ang mga magulang ni Drea..

Bakas sa kanilang mukha ang pagaalala..

"Anak, ayos kalang ba?" nag-aalalang tanong ng mama niya..

hayyyy... kung alam niyo lang po...

Lumingon siya sa amin at tumingin sa akin..

Tumingin din ako sa mga mata niya w/ my 'sabihin-mo-na' look..

"Mama, Papa.... May sasabihin po ako sa inyo..." pagsisimula niya.

Ang mga magulang naman niya ay hindi sumagot..

Naghihintay lang sila na ituloy ni Drea ang sasabihin niya..

"Buntis po ako."

______________

Short update. mamaya ulit ako mag-uupdate ha?

Magrereview lang ako.. periodical exam na bukas ee ^__^

Life As Told By A Teenage Wife (under major reconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon