Update no.17

1.9K 29 19
                                    

Annyeong Hasseyo!!!! I'm so happy dahil nadaragdagan na ang mga readers ng LATBATW. :) Salamat po sa mga patuloy na sumusuporta sa story na to :) Yung mga gusto ng dedication, message nyo lang po ako.

Nga pala, habang naghihintay ng UD, you might wanna read my story entitled "I Won't Give Up" (fast update po yan ^_^) actually matagal ko na pong sinimulan yung IWGU pero ngayon ko lang siya ni-post sa wattpad... maganda po siya, swear...

Here's the plot:

Ito ay story ng isang girl na na-love at first sight sa isa sa mga pinaka talented, athletic, mayaman at gwapong estudyante sa school nila. Ngunit kapatid lang ang turing sa kanya nito. Pinilit niya itong kalimutan at inisip na lamang niya na infatuation lamang ang nararamdaman niya sa lalaki. Ngunit naging  napaka hirap para sa kanya na kalimutan ang nararamdaman niya para sa dito. May pag-asa pa kayang magkatuluyan silang dalawa? Lalaban parin ba siya kahit na ang mismong ipinaglalaban niya ay isinusuko na siya? Mapanindigan kaya niya ang mga katagang "I won't give up" ?

Btw, ang next UD ay kapag naka 4k reads na to. Sorry kung nagiging demanding ang author -___- napapansin ko po kasi na ang konti pa ng reads.. sorry.. pero promise pagagandahin ko po yung next UD .. :)

Kfly. Medyo napahaba ang author's note... here's the UD:

_____

Drea's POV

Ang bait bait ni Lolo Rey sa akin..

Kahit papano medyo gumagaan na din yung pakiramdam ko, kahit alam kong ang mga magulang ko at si Rai eh hindi pa din tanggap ang sitwasyon..

Nung natapos na yung welcome party, hinatid na ako ni Robi at ni Lolo sa bago kong kwarto.. Si Rai, hindi na ulit nagpakita, sabi naman ni Lolo ay baka daw sinamahan lang ang mga kabarkada niya..

Magkatabi lang pala yung kwarto namin ni Rai..

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari..

Sobrang dami ng nangyari sa araw na to..

Hindi ako makapaniwala na simula ngayon ay dito na ako titira..

At nalaman ko pa na half brother ko pala si Robi..

Natatawa na nga lang ako sa sarili ko dahil naging crush ko siya nung unang meeting namin..

tapos yun pala, kapatid ko pala siya..

Pero hindi naman ako nagalit sa kanya dahil naiintindihan ko siya.. Tsaka, kailangan ko ng pamilya ngayon..

Pumasok na ako sa kwarto ko..

Wow.. halos doble ng kwarto ko sa bahay namin..

And when I checked the walk in closet, may mga laman ng mga gamit yung closet at shelves.

May maternity dress, shirts, blouse, sandals, dolly shoes, jeans, shots, accesories.. almost all the girls' stuffs!

At lahat ng yon kasya sa akin..

Pinaghandaan na nila talaga ang pagtira ko dito?

Expected na talaga nila na ganito ang mangyayari?

Whatever.

Kahit alam nilang hindi hindi ko naman magagamit yung ibang damit pag lumaki na yung tummy ko, still nilagyan parin nila yun ng mga ganun..

Baka masayang lang yung iba.. Diba karamihan naman sa mga nagbubuntis tumataba?

Tataba din kaya ako?

Sigurado pag nangyari yon wala na talaga akong pag-asang magustuhan ni Rai..

Life As Told By A Teenage Wife (under major reconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon