Update no.14

1.6K 15 4
                                    

"Buntis po ako."

Ilang minuting katahimikan.....

"Anak, Bakit mo ginawa?"

Napahagulgol na lamang ang mama ni Drea..

Magsasalita pa lamang siya pero isang malutong at malakas na sampal ang natamo niya mula sa papa niya..

Halatang malakas ang pagkakasampal sa kanya nito dahil bakas iyon sa mukha ni Drea..

"Ma, Pa... Sorry po. Hindi ko po naman sinasadya eh. Sorry po talaga.. Patawarin niyo po ako.." Sagot niya habang umiiyak.. Umiiyak dahil siguro sa sakit ng nararamdaman at sa sakit ng sampal ng kanyang ama.

"Anak, kahit naman palagi kaming wala dito sa bahay, hindi kami nagkulang ng pangaral sayo.. Pinalaki ka namin ng maayos.. Itinuring ka naming tunay na anak.. Tapos eto, eto ang igaganti mo sa amin ng Mama mo.. Wala kang kwentang anak!!!"

Huminga muna ng malalim ang nanay ni Drea bago ulit magsalita.. Habang si Drea ay nakayuko lang habang hawak ang pisngi kung saan siya sinampal ng kanyang ama..

"Binigay naman namin lahat sa'yo ah. Kaya kami nagtatrabaho ay para matustusan ang mga pangangailangan at gusto mo.. Ano pa bang kulang Arianna?!!! ANO PA!!" At pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay nahimatay ang mama ni Drea..

"mama..." Sinusubukan niyang hawakan ang kanyang ina.. Pero tinulak lamang siya papalayo ng kanyang ama..

"Lumayas ka.. Get out of OUR HOUSE.. Bahala ka na sa buhay mo!! WALA KANG UTANG NA LOOB!! Tingnan mo ang nangyari sa mama mo.. Akala mo ba tutulungan ka namin ?! Matuto kang magtanda sa mga pinaggagagawa mo!! Hindi lahat ng bagay sa mundo ay madali.." tumingin siya kay Yaya Rose na kanina pa palang nakatingin sa mga nangyayari.. "Yaya! Ihanda mo na mga gamit nito.." 

Agad namang sumunod si Yaya Rose..

"Pa, I'm sorry... Patawarin niyo po ako.. Mag-eexplain ako pa.. Parang awa niyo na.."

"Yaya bilisan niyo!"

"Pa, maawa ka po sa'min.."

"Bakit, naisip mo ba kami ng mama mo bago mo gawin ang bagay na yan?!"

"Pa, let me explain.. Mianhae.. Mianhae.."

"Explain? My God Arianna !! Ano pa bang kailangan mong i-explain?! Na hindi mo sinasadya?! pero ginawa mo na.. HINDI MABABAGO ANG LAHAT NG SORRY MO. Pag may nangyaring masama sa Mama mo, tandaan mo!! Isusumpa kita at naging anak pa kita!" tumingin siya sa amin ni Drea "Nau.. na ga! Yeogisuh ssuk nagashio!!" (You.. Get out! Get out of here!!")

Ibinigay na ni Yaya Rose ang dalawang maleta sa alaga niya (a/n: referring to Drea)

"NAGARAGO!!" (I said get out!!)

"Nak, Drea, Palipasin mo muna ang galit ng Papa mo.. Nabigla lang siya.. Babalitaan nalang kita kapag naging ayos na ang lagay ng mama mo.. Sige na hija.. Umalis na kayo bago pa kayo abutan ng Papa mo.. Msg-ingat kayo ha? Lalo na ang baby.. Ingatan mo itong alaga ko hijo."

"O-opo.. Makaka-asa po kayo sa'kin" Sagot ko.

Inilagay ko na ang dalawang maleta sa likod ng sasakyan..

"Rai.. Di ko na kaya. Maumi apuda, sobra.. Paano na si Mama? Nangyari yun dahil sa akin." (my heart hurts) walang tigil na pag-iyak si Drea..

"sshhh... Ooljima.. chebal.. ooljima.." (Don't cry.. plase.. don't cry) hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya gamit ang mga palad ko. "Uwi na tayo sa bahay natin."

_____

Another short update.. Sorry kung laging short update. Ang totoo kasi niyan, walang plot ang story kong to.. So kung ano lang maisip kong itype, yung nalang yung tinatype ko ^___^

Mag-vote naman po yung iba dyan :D Demanding ba ? :) Sorry naman.

Comments?

Life As Told By A Teenage Wife (under major reconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon