Chapter 1: Morning

593 13 1
                                    

Alyssa's POV:

Pinark ko yung car ko sa nearest parking spot ng entrance ng dorm. Para hindi ako mahirapan maghagilap mamaya.

Paglabas ko sa car, ni-lock ko 'to and pumasok na sa Eliazo.

Dapat talaga dito 'ko sa dorm natulog kagabi, pero nagyaya kasi si mom na magdinner ako kasama niya because flight na niya sa kung saan mang bansa siya pupunta later.

"Hi Aly!" Greet sa akin ng isang student.

"Hello."

"Hi Ly! How's your morning been?"

"Hi din! Okay lang," sabi ko then smile.

Ay. Nandito na pala 'ko.

Binuksan ko yung door with my key and pumasok na.

"Huy, Ly! Saan ka galing?"

"Sa house po 'ko natulog ate," sagot ko kay ate Dzi.

"Ah. Kala namin eh."

"Alyssaaaaaaaa!" Rinig kong sigaw ni Ella tapos tumakbo siya pababa.

"Hoy, Jorella! Problema?" Tanong ko.

"Saan ka galing?"

"Wala. Sa bahay lang. Bakit?"

"Pasalubong?" Tanong niya ng naka smile siyang wide.

"G*go!" Sabi ko at tumawa si ate Dzi. Pag tingin ko sa kitchen, nakita kong nagpipigil ng tawa si A habang umiinom. Hindi na niya napigilan at naibuga niya yung juice na iniinom niya kay Fille na napatigil ng tawa. Hahahahaha!

"A!" Sigaw ni Fille, sabay naghabulan naman ang dalawa habang tinatawanan namin sila.

"Kadiri kaaa!" Hinabol pa niya ng hinabol. Akyat, baba na sila. Haha. XD

"Teka! I'll make it up to you, basta maligo ka muna! Eew," sabi ni A kay Fille ng napagod sila.

"Eew ka dyan! Kadiri ka, sayo 'to eh!" Reklamo ni ate Fille na naiilang sa sarili.

"Oo na po! Basta, I'll make it up to you."

"Siguraduhin mo lang, Nacachi," sabi ni Fille at pumunta na sa CR.

Back to Ella na tumingin sakin pagkatapos panuorin ang habulan.

"Ang hard mo," sabi niya sabay pout.

Kinuha ko yung car keys ko sa pocket then binigay sa kanya.

"May chocolate from mom dun sa car. Cadbury lang sayo ah? Kunin mo na lahat ng plastic bag, balik mo dito."

"Yayyy! Thanks Ly!" Sabi niya at tumakbo palabas. Umupo muna 'ko sa sofa para manuod ng TV.

"A, linisin mo na 'yang kinalat mo!" Rinig kong sigaw ni ate Dzi kay A na kumukuha ng mop.

"Ito na, capt!" Sabi niya at nagstart na.

"Guys, get ready pala. May tryout bukas ng volleyball. Pick wisely," sabi ni ate Dzi.

"Baka mamaya, puro na naman setter at blocker ang mag t-tryout satin ah," sabi ko.

"Wala, Ly eh. Ganun talaga. We'll see na lang," sabi ni Jem na biglang umupo sa tabi ko.

Bigla naman bumukas yung pintuan and pumasok si Ella na dala-dala yung 3 plastic bags na may lamang chocolates.

"Aly beybehhhh! Ang dami pala ng plastic bags! Heaven!" Sabi niya at dumiretso sa kitchen.

"Isang bar lang sayo, Jorella! Tigi-isa lang tayo, 'no?" Sabi ko at sinundan siya sa kitchen.

"Sabi mo sa akin yung Cadbury," sabi niya sabay nag pout.

My Everything (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon