My Everything (AlyDen)

2.1K 13 3
                                    

Hiiii! Ako nga pala si Alyssa Caymo Valdez. Nag-aaral sa ADMU ng Psychology. Isa rin nga pala akong volleyball player, isang open spiker.

Ako'y matangkad, matalino, mabait, at may abs.

Mahangin?

Wag kaaa. Pinaghirapan at pinagpawisan ko si abs eh TT___TT

Nasaan na ba tayo? Ay! Oo.

Isa akong open spiker at ano pa ba..

Ah. Sinaktan ako ng boyfriend ko. Tinapon niya pabalik ang puso ko at itinapon ko na lang ito ulit.

Ang akala ko'y walang sasalo sa puso ko, pero dumating si libero.

Isang napakaganda at cute na babaeng nakilala ko.

Si Dennise Lazaro.

Akala ko magiging okay na ang lahat,

Hindi pa pala dahil hindi pa tapos ang laban.

--

A/N: Isang author's note muna, okay lang po? Haha. Um, okay. Hindi ko po sure kung may magbabasa talaga nito eh kasi hindi ko sure kung may nagbabasa pa ng AlyDen sa panahon na ito waaaa. Um, new fan po ako ng ALE and ng AlyDen. Tina-try ko po muna magbasa ng fanfics nila kasi gusto ko rin po magkaroon ng idea kung anong ugali ang ipapakita ko sa mga characters. Hindi po kasi ako nanonood ng UAAP, lalo na ng volleyball. Naging player po kasi ako nun dati even though hindi ako marunong, onti lang lol hanggang table tennis lang talaga 'ko haha. Teka. Back to the story, AlyDen everybody!

--

Prolouge:

Alyssa's POV:

Nakaupo ako dito sa isang bench sa gym. Lahat kasi sila busy, ako lang hindi.

May narinig akong footsteps sa kaliwa. Pag lingon ko, wala naman. Pag harap ko sa kanan, wala naman. Pag harap ko sa unahan, wala naman din. Guni-guni ko lang ata yun.

"Boo."

Napatayo at tili ako sa gulat. Pag tingin ko sa likod..

"DenDen!" Sigaw ko tapos biglang nagpout. Tawa lang siya ng tawa.

"Ang bad mo ah," sabi ko at tumingin na lang sa gym.

"Uiii," suyo niya sa akin na may kasamang back hug.

"Sorry naaaa," sabi niya at mas hinigpitan pa ang pagkayakap.

Hindi ko talaga matitiis 'to. Hayy, Den..

"Oo na. Sige na," sabi ko at humarap para i-hug siya ng maayos.

"Ikaw kasi eh!" Sabi ko at umupo kami sa bench.

"Wala. Ang tahimik mo kasi baby eh. Onting fun lang," sabi niya ng may ngiti at nag holding hands kami habang nakapatong yung head niya sa shoulder ko.

"Kamusta ka?"

"Ayun, okay lang naman. Gusto ko lang mag stay muna dito," sabi ko.

"Sarap sa feeling 'no? Ang daming paghihirap ang naranasan natin dito sa gym," sabi ko ulit.

"Oo nga eh. Pero, it was all worth it naman, diba?" Tanong niya,

"Oo."

4 minutes after, bigla kaming nakarinig ng kaunting ingay from the entrance door.

Nagkatinginan kami ni Den at nagbilang.

"1..

2..

3.."

"Wooooo!" Sigaw ni Ella at pumasok na ang ibang Lady Eagles sa gym.

"Hoyy, Jorella! Ang ingay mo!" Sabi ni ate Dzi.

"Ang tahimik ate eh!"

"Oo nga. Nandyan kasi ang AlyDen oh!" Sabi ni Marge.

"Anong kinalaman namin diyan?" Tanong ni baby Den ko.

"Wala! Ang tahimik lang!" Sabi ni Gretchen.

"Hoyy, Greta. Kani-kanina lang, ang ingay mo," sabi ko sa kaniya.

"Fille, inaaway ako oh!" Nagpout si Gretch tapos tumingin kay Fille.

"Hayy, nako. Samahan na nga lang natin sila. Nakakaawa," sabi ni Jirah at umupo sila sa tabi namin.

"Nakakaawa daw tayo, baby?" Tanong ko kay Den.

"Guys, nagsusumbong oh!" Sabi ni Jem.

"Ewan ko sainyo," sabi ni ate Dzi sabay tawa kaming lahat.

"Ang daming memories dito.." sabi ko.

"Sobra.." sabi naman ng iba.

"Oo nga. Naaalala ko pa yun.." sabi ni Bea.

"Flashback lang ang peg?" Sabi ni Aerieal.

"Choosy mo! Game na!" Sabi ni Mae.

/Vote and Comment!

My Everything (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon