London
Noong Stag Party ng lecheng si Chase, nagkaroon kami ng pustahan ni Ralph sa UAAP Volley ball girls. Well, ako ang pasimuno para mabawi ko naman ang dangal ko sa ginawa ni Kiro sa akin. Tangina kasing nagtabi pa sila ni Tito P. Huwag kayong tumawa diyan... walang tumulong sa akin noon. Nagising ako sa lupa na may video sa mukha. Tarantadong Violet yun.
Kaya ngayon, nagkakagulo kami dito sa Club Zero dahil sa pustahan na iyon. Lamang na ang La-Salle eh. Isang set na lang eh...bakit minalas at nahabol ng mga dugong kurimaw? Ang laki ng yabang ko pa naman dahil may matangkad ngayon sa La Salle. Tapos, hindi pinasok sa huling set. Coach, Atenista ka ba? Pupuntahan kita sa La Salle kapag natalo tayo ngayon. Humanda ka talaga sa akin.
Ngayon 24-24 ang score sa last set. Sa amin ang bola.
Dug...dug... dug...
Puso ko yun, hindi drums. Tangina, kinakabahan ako.Hinagis ang bola ng nagserve... nakuha ng Ateneo at nagset sila... hutangina...tatlong spiker na naman ang tumalon. Ano na La-Salle? Habol... Panay kayo tayo? Ano pangarap nyo maging poste lang?
"Yeeeessssss....." Sigaw ng kampo ng mga asul.
Malapit ko ng masuntok si Tita Merj... Nakakainis, may pa-balloons pa siya na naka-fuck you na kamay. At winawagayway niya sa amin."Merjie... nakakabwisit na yang lobo mo." Sita ng asawa nya. Dinilaan lang si Tito Redgie ni Tita Merj.
May away na naman sa bahay nila mamaya. Kaya si Jaxx, nag-aral sa UP dahil isang buwan yatang hindi nag-usap ang magulang ng hindi sila magkasundo kung saan mag-aaral si Jaxx noong college.Sa Ateneo ang bola. Malas pa na ang captain ang server. Napatayo na kami... Pati ang mga tabutoy na miron, nakatayo na din. Walang humihinga...
Hinagis ng asul ang bola, at saka nilagyan ng pektus... Ref... may pektus ang tinamaan ng magaling na lecheng bola. Akala ko masasabit sa net. Nabitin ang pagtalon ko ng pumasok sa court namin ang bola.
Nakuha ng La-Salle pero...heyp na yan sumabit sa net pagkatira nila.
At tumigil ang mundo ko ng lumabas sa screen ang score na 26-24. Panalo ang Ateneo. Yung balloon na hawak ni Tita Merj pwede ko bang putukin na? Nagsusumigaw ang fuck you eh. Turong-turo ang middle finger ng asul na lobo na parang pinapaalala ang mangyayari sa titi ko.
"London dick si falling down..." Kanta ni Violet.
At nagsimula na nilang kantahin ang kanta na yun dahil sa pinsan kong si Violet.Siya talaga ang nakakapagpakulo ng dugo ko. Bukod tanging siya lang. Gifted siya pagdating sa kanta... at talagang very creative niya.
Kung si Summer parang rapper kung mamintas, si Violet parang William Shakespeare ng kalokohan.
London's dick si falling down...
Falling down...Falling down...
London's dick si falling down...
My first piercing."Handa ka na ba?" Nag-iinis na tanong ni Ralph.
Nakaligtas ang kumag sa akin."Huh! Bring it on." Nasabi ko na lang.
Natatandaan ko noong tinuli ako. Hindi ko maintindihan sa magulang ko kung bakit hindi kami pinatuli noong pinanganak kami at kailangan talaga na makita namin na ginugupit ang pinakamamahal na sandata namin. Ang sakit kaya... ikaw ba naman mamaga ang titi mo. Tapos sasabihin nila parang kagat lang daw ng langgam...
"Saint, may kilala ka bang nagpi-piercing?" Hayop na Ralph 'to. Hindi talaga papalipasin ang isang araw ng hindi naniningil.
"Meron sa shop." Sagot ni Saint.
"Yun naman pala... Tara samahan na kita. Baka umiyak ka eh." Panunuya ni Ralph.Tatawa-tawa silang lahat.
"Huwag mong sabihin na takot ka!" Ang yabang talaga ni amboy. Kinakanti pa ang pride ko.
"I-video mo pa." Mayabang na sagot ko.
"Tara na... baka dagain ka pa." Tumayo si Ralph at sumunod ang mga tropa kong nag-absent sa mga trabaho para lang manood ng UAAP.
"Aano kayo? Para akong bibitayin kung sundan nyo kami ah." Sita ko sa mga kaibigan ko.
"Baka kailangan mo ng taga kanta habang umiiyak ka?" Ayun...magaling ka talaga Violet.
"May kanta nga na ginawa sayo si Mia. Dahil ikaw na lang daw ang walang jowa..." Napakainosente ni Violet kung titingnan. Sa kabila ng kakaibang mata niya, nagtatago ang kapilyahan.
"Si Jaxx ba may jowa?" Humalukipkip ako.
"Kaya niyang gumawa ng kanta...ikaw, kaya mo?" Nakapamewang na tanong ni Violet.
"Mia...kantahin mo na ang inaalay mong kanta para kay London. Kasama na nga sa next album ng Over Drive yan eh." Violet insisted.
Kumuha naman ng gitara si Mia at nagsimulang tumugtog ng mellow na kanta.
"May tulog...may tulog na hugis itlog.
May tulog...may tulog na hugis itlog" Kanta ni Mia.Hindi niya maituloy ang kinakanta dahil hagalpak sila sa tawa... Si Mia nagtakipng mukha gamit ang gitara na hawak. Ang galing...pulutan ako. Natatawa na langako sa kanila.
"Mia... anak ka nga ni Tito Mark." Sabi ko bago kami lumabas ng tuwang-tuwa na siRalph.
"Samahan ko lang yung magpapatuli, baby." Paalam ni Ralph sa syota niyangkasing baliw na ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Two Steps Behind (Completed)
RomanceNang dahil sa pustahan, kinailangan ni London na magpakatapang...hahaha Si London ang tipo na tao na panay nakatawa. Hindi seryoso sa buhay at typical na anak mayaman. Lahat abot kamay niya. Lahat mayroon siya. Ano pa ba ang hahanapin ng isang Hacie...