Kamay na mananayaw sa ulan

0 0 0
                                    

Hampas ng alon mula sa dalampasigan ay iyong maririnig
Ang bawat huni ng ibon at hangin na nagpaparamdam
Na siyang napakalamig

Ang kamay ay muling sumabay sa ritmo ng musika
Musika ng ulan, na lalapatan ng tinta
Habang may kape, kasama ang papel at pluma
Paghaharmonismo sa bawat titik at salita

Indayog ng mga letra ay muling sasayaw
Ang malamlam na panahon marahil ang aking kasiyahan
Kung saan ang aking mga kamay ay nagiging mananayaw
Sa pagsusulat ng bawat salita na nilalaman

Ganunpaman tuwing ulan lamang bubuhos ang tinta
Ang itim na luha na lalapat sa puting lamaseta
Bubuo ng panulat ng mga salita
At siyang makakabuo ng isang malikhaing obra

Lunatic HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon