Sa bawat gabi na siyang dadaan
Saksi ang bituin sa kalangitan
Kung paano ko pinipigilan ang bawat hakbang
At mga luha siyang pumapatak na parang ulanSinubukan kong buksan ang karahasan na ginawa sa akin ni ama
At ilathala iyon kay ina
Subalit hindi nakinig ang kanyang mga tainga
Inakalang ako lamang ay nagmamalik-mataWalang kahit-sinuman ang naniwala
Tuwing gabi karahasan sa akin ni ama ay siyang lumalala
Ang nagawa lamang ay lumuha
Humihiling na sana matapos naAma—hindi mo ba alam ang siyam na taon na gulang
Ay masyado pang muwang
Upang maranasan ang iyong kasamaan
At ibuhos sa akin ang lahat ng iyong kasakimanAng malalamig na paa ay siyang tumatalunton ngayon
Sa kalye na ito, malayo sa pighati mula roon
Ama—hanggang sa huling hininga ko sana at pagpikit ng mata
Ay matauhan ka na
BINABASA MO ANG
Lunatic Heart
Поэзияcollection of poetries came from the middle of my lunatic heart