40

174 12 4
                                    

Third Person's POV

Unang natapatan ng bote ay si Jinyoung. Tumawa ng malakas si Jihoon at Guanlin. Alam nila kasing may tinatago 'to.

"OKEH OKEH TUMABI KA SA TAONG GUSTO MO LALONG MAKILALA!" Sabi ni Sungwoon habang tumatawa. Natawa din si Baejin.

"Hyung, wala pa akong sinasabi kung truth or dare. Pero kung yun lang naman pala," Tumayo siya sabay tabi kay Rina. Na biglang namula. At napangisi si Baejin. Sa sobrang kahihiyan ni Rina, siya na nagpaikot ng bote.

Na tumapat kay Ayhessa. Tumawa na si Jaehwan at Jisung. Alam nila na pag si Ayhessa ang usapan, biglang natatahimik 'tong dalawa.

"Ano, Yhessa? Truth or dare?" Mapang-asar na sabi ni Joyce. Sumigaw nalang ng truth si Ayhessa.

"Ha Sungwoon or Hwang Minhyun?" Naalerto lahat sa tanong. Sasagot na dapat si Ayhessa nang biglang sumigaw si Jisung.

"ARAY KINAGAT AKO NG LANGGAM!!!!!" Napatingin lahat sakanya.

"Ang arte mo!" Sigaw ni Sungwoon, inis na inis. Bumaling lahat kay Ayhessa.

"Nasagot ko na. Kasabay nung pagsigaw ni Jisung-hyung, sarreh." Sabi ni Ayhessa sabay paikot ng bote. Binatukan ni Dana si Jisung. Nag meme face lang ang kuya mong DJ Hannki.

Hindi ko na papatagalin, halos lahat natutukan ng bote. Pero ang pinakahuli, si Lyka.

"TELL US A SECRET!!!!" Maingay na sabi ni Sahara. Mukhang tipsy na.

Napangiti si Lyka. Alam niyang eto na yung right time. Napatingin siya kay Seongwu at ngumiti.

"Guys, may cancer ako. Hindi narin ako magtatagal. I'm sorry kung secretive ako. Kasi eto yung tinatago ko. Pero I treasure you all. Sana lang talaga, 'wag muna ako kunin ni Lord kasi gusto ko pa kayo makasama lahat."

sandglass | o.swTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon