08

241 13 4
                                    

Lyka's

Nandito kami sa simbahan ngayon. Madalas akong nandito, diba?

Tatay ko kasi, pastor.

Tapos, palagi pa akong humihiling kay Lord. Gusto ko lagi kong makausap Siya.

Hihiling ako na sana...

Patagalin pa ako sa mundong 'to.

Gusto ko pang matapos ng pag-aaral. Gusto ko pa grumaduate kasama yung mga kaibigan ko.

Gusto ko rin maranasan magmahal. Tapos mamahalin rin ako pabalik.

Ayun lang naman eh, pagkatapos non, pwede na 'ko magpahinga. Pero iniisip ko lang, paano yung magiging boyfriend ko kung iiwan ko siya dito?

Masakit mawalan. Lalo na ng taong minamahal mo. Kaya iniisip ko na huwag nalang magboyfriend.

Anong sakit ko? Hemochromatosis. Namana ko yung sakit ng nanay ko. Naccure yung sakit, pero pag pinabayaan, triple yung balik sayo.

Ganun nangyari sa nanay ko. Namatay sya dahil may liver cancer siya. Late nalang namin nalaman na may ganoon din ako kaya heto.

Stage 3. Liver cancer.

Lord, patagalin niyo pa po yung buhay ko, please.

sandglass | o.swTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon