24

210 12 1
                                    

ong's

Pumunta na ako sa simbahan nila Lyks. Hindi ko na kaya, miss na miss ko na siya eh.

Pagdating ko, nakita ko yung Papa nya, nagaayos ng gamit. Mukhang paalis na.

"Hello po, papa ni lyka. Magandang hapon po. Nasaan po si Lyka?" Napatingin siya saakin. Ngumiti siya pero hindi naman halatang masaya siya.

Ano kaya nangyayari?

"Tawagin mo nalang akong Tito Dominic. Tito Doms for short." Tumango naman ako.

"Okay po, Tito Doms. Pero nasaan po si Lyka?" Huminga siya ng malalim.

"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman." Bigla akong kinutuban.

Ano ba 'to? Parang si Patsi na pumunta ng Japan? Parang si Jihoon na nasa airport? Parang si Danik na nasa Australia? Parang si Daehwi na umuwi ng Japan? Si Jaehwan at Sahara lang ata walang ganong scene.

Tahimik kami ni Tito Doms habang nagmamaneho siya.

Papuntang hospital?

Lalo akong kinabahan.

Hindi kaya..?

"Sana, wag mong iwan yung anak ko pagkatapos mo malaman lahat." Yun lang yung sinabi ni Tito saakin.

Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Parang gusto ko ng himatayin sa kaba.

Gusto ko nalang matapos lahat at makita si Lyka.

Pero pagbukas ng pinto, tsaka ko nakita yung hinahanap ko.

Nakahiga sa hospital bed at napakatamlay.

Anong nangyayari sayo, Lyka?

sandglass | o.swTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon