Bst Frnd: Ikalawang Kabanata

649 35 3
                                    

 -- δύο --

"Dali na kasi, ate. Ikwento mo na 'yong reason behind his hand on top of yours." Pamimilit na may halong pang-aasar sa akin ni Ame. Kanina pa 'tong babaeng 'to, eh. Umirap lang ako sa kanya at nanood na lang ng Frozen. Kanina ko pa pinipilit na mag-concentrate dito sa pinapanood ko, pero ang epal ko namang kapatid, kanina pa rin nambubulabog sa aking panonood. Kanina pa niya ako kinukulit tungkol doon sa kamay ni Clyde na nakapatong sa kamay ko. Nakakainis nga, eh. Sarap iselya ng bunganga gamit ang turnilyo.

"Manahimik k nga diyan, Ame. Nagfo-focus ko sa kagandahan ni Elsa kaya si kuya Zir na lang 'yong guluhin mo." Sabi ko sabay subo ng brownies na ni-bake ni mama kanina.

"Si Emerald naman, ang kill joy. Sige na kasi. Kinikilig ako sa inyo ni sir Clyde, eh." Aniya habang pumapalakpak pa. Nag-hysterical siya sa sofa habang sumisigaw pa. Baliw na nga ang isang ito. "Pag-ibig na ituuu!"

"Magtigil ka diyan, Amethyst. O baka naman gusto mong isaksak ko sa bunganga mo 'tong remote." Banta ko sa kanya habang pinanlilisikan siya ng tingin. Tumawa siya at saka nag-make face. Minsan talaga, umiiral ang pagiging sumpungin ng babaeng ito.

"Matatakot na ba ako sa'yo, Emerald?" Aniy at saka ako inirapan. Umirap lang din ako at pinanood na lang 'yong Frozen. Grabe! Ang cute ni Olaf. Sarap dukutin sa tv at bigyan ng powerhug. "Mama, si Em-Em oh! Naglalandi na!"

"Hoy tae ka, Amethyst! Ano bang pinagsasabi mo diyan? Anong naglalandi?" Sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo. Nginisihan ba naman ako noong baliw kong kapatid.

"Mama! Si Emerald, nakipag-boy friend na doon sa teacher ko sa Math! Pagalitan ninyo siya!" Patuloy na sigaw ni Ame. Ni-wrestling ko naman siya doon sa sofa. Bah! Kung anu-anong sinasabi ng babaeng 'to. "Mama, si Em-Em! Makikipag-live in na raw!"

"Buset ka, Ame!" Sigaw ko sa kanya at saka dumampot ng throw pillow at ibinato sa kanya. Tumakbo lang siya habang tumatawa nang malakas. Nakakainis. Kanino ba namana ng kapatid kong 'to ang pagiging bungangera niya? Argh! Kung anu-anong sinasabi, eh. "Kapag pinagalitan ako nina mama, lagot ka talaga sa akin."

"Anong meron dito, dalawang dalaginding ko?" Tanong ni mama habang nakasandal sa pintuan ng entertainment room. Napatigil ako sa paghabol kay Ame. Nakangisi ang lokaret kong kapatid. Nakayakap si papa sa bewang ni mama at si kuya naman, nakataas ang kilay habang nakatingin sa amin - sa akin. "Ano 'yong sinasabi mo, Amethyst?"

"Kasi po mama, kanina sa mall, nasalubong ko 'yung teacher na nagbagsak sa akin sa Math. Tapos, dumating si ate, at nagkausap na rin sila." Kwento ni Ame. Nilingon niya ako at nginisihan. "Tapos, noong nasa Greenwich na kami, pabalik na ako sa table, nakita ko na lang na magkapatong sila." Nanlaki naman ang mga mata ni mama at napakunot ang noo nina papa at kuya. Binato ko ng throw pillow siAme. "I mean, 'yong mga kamay pala nila. Tapos tinatanong ko si ate, kung sila na, pero ayaw niyang sabihin."

"Eh, ano 'yong live in na narinig ko?" Taas-kilay na tanong ni kuya Zir.

"Wala 'yon, kuya. Nag-iimbento lang 'yang siopao na 'yan." Sabi ko naman.

"Hindi ako siopao, noh. Tsaka wag ka nga, Emerald. Sinabi pa niya na ipe-pursue ka niya--" Tinakpan ko kaagad ang bunganga ng kapatid kong parrot bago pa siya magsabi ng mga salitang out of this world. Ngumiti si mama.

Bst Frnd (On-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon