► P R E F A C E ◄
Dy and I are childhood best friends. Destined na talaga yata na maging best friends kami - naiukit na yata 'yon sa aming tadhana. My parents and his are colleagues since college. We're living in the same subdivision and we're exactly neighbors. We're classmates, too, since kindergarten. Sabi nga nina mama, kambal ng tadhana raw kami. Madalang lang kasi 'yong araw na hindi kami magkasama. Halos everyday, mukha ng isa't isa 'yong nakikita namin. Nakakatuwa nga, eh.
We also share the same interests like watching Disney movies, eating beef and mushroom pizza, and fries-dipped-in-cookies n' cream ice cream-menu. Sapat na siguro 'yon para mabigyan kami ng label as best friends. I so love hanging out with him. He's damn special to me. I...love my best friend so much, na dumarating sa point na tinatanong ko ang sarili ko kung normal pa ba 'yong pagmamahal ko sa best friend ko. And I should admit the fact that I love him, more than just best of best of friends.
Falling for him was beyond my control. Ni hindi ko nga naisip na aabot ang pagmamahal ko sa ganito, eh. Hindi ko alam na aabot sa puntong mamahalin ko siya bilang lalaki, bilang siya, bilang si Dylan Xymonn Claridad. Mabuti sana kung pareho kami ng nararamdaman, kaso hindi, eh. Malayung-malayo ang nararamdaman kong pagmamahal sa best friend ko.
And I know the fact that he's in love with someone else. I've witnessed the times when he's so excited to see her everyday in school, the time when he told her his feelings, the times when he courted her and gave her romantic surprises, the moment when the two of them finally got together. Nakita ko kung paano mahalin ng best friend ko ang babaeng 'yon. Naiinggit ako kasi hindi ako matignan ni Dylan nang ganoon sa pagtingin niya sa babaeng 'yon. I feel so envious, kasi kahit alam kong ako 'yong babaeng nauna sa kanya at matagal na niyang kasama, pilit pa ring isinasampal ng tadhana na hindi ako 'yong mahal niya. Masakit kasi wala siyang alam sa nararamdaman ko. Hindi niya alam na mas nasasaktan ako sa twuing ikinukuwento niya 'yong bonding moments nila noong girl friend niya. Sa tuwing nagkakaproblema sila, sa akin siya tumatakbo upang humingi ng advice. Nakakainis ang tadhana. Akala ko noon, there will also be a chance that he'll fall for me, too, pero wala. Maybe, we're destined to be best friends, just that. No more, no less.
Maybe one day, I will be able to get over my unrequited love for him...completely. Well, I am hoping so...
---
What can you say? Comment what's on your mind! Feed backs. Add to your RL and vote, if you like.

BINABASA MO ANG
Bst Frnd (On-HOLD)
Random❝ Falling in love with your guy best friend is inevitable. ❞