Bst Frnd: Ikatlong Kabanata

796 59 42
                                    

-- τρία --

Nagising ako sa biglaang pagsakit ng ulo ko. Napahawak ako sa noo ko at napapikit muli. Pinilit kong bumangon. Inilibot ko ang aking mga mata at napasin kong hindi ito ang kwarto ko. Light pink ang pintura ng dingding sa kwarto ko, pero stripes ng dark at sky blue ang pintura sa kwartong kinalalagyan ko ngayon. Pamilyar ang amoy nito. Tumingin ako sa gilid at nakita ang isang malaking teddy bear na kulay blue na nakasuot ng white na cap. Pamilyar ang stuffed toy na 'yon. Si EmDy - coined term na nakuha sa first names namin ni Dylan. Kaya pala pamilyar ang kwarto na ito at pati ang amoy. Dylan is really here.

Para akong sinampal bigla nang back to back to back nang makita ko ang isang litratong nakalagay sa picture frame. Litrato niya at noong babaeng...mahal niya. Napayuko ako at ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako sa tuwing iniisip kong hindi ako 'yong mahal niya. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo pero napaupo rin ako bigla. Ang sakit ng ulo ko! Huminga ako nang malalim, at saktong bumukas ang pinto, iniluwa ang gwapong-gwapo kong best friend.

I can hear the angels singing, the rhythm of my heart is beyond normal. After 3 years, nakita ko siyang muli. Nagbago nga talaga siya. Ang gwapo niya, lalo, at tumangkad din siya. Medyo tan na ang kulay niya at sa suot niyang white sleeveless shirt, mas na-highlight ang hubog ng kanyang katawan. Mas naging muscular siya ngayon. Tinignan ko siya, at ang puso ko ay awtomatikong tumakbo nang mabilis. Mas mabilis pa sa mabilis. Magulong buhok, gwapong mukha, at sleeveless shirt lang ang kailangan niya - at lahat ng babaeng titingin sa kanya ay siguradong hahanga at maglalaway, literally. Bumaba ang mga mata ko at nakita kong naka-boxers lang siya. Napatalikod ako nang wala sa oras. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

"M-Magbihis ka nga nang mas matino, Dy! Babae kaya ako! Kadiri ka!" Sigaw ko habang nakatakip ang magkabilang mata at nakatalikod sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.

"Nakabihis naman ako nang matino, ah. Em naman. Parang hindi ka na nasanay sa akin." Sabi niya.

"K-Kasi naman, eh! Bakit ba ako nandito sa k-kwarto mo?!" Sigaw ko sa kanya.

"Kasi nga, lasing ka. Hindi na kita naihatid sa inyo kasi pagod din talaga ako. Hayaan mo, sinabi ko naman kina tita kanina na nandito ka sa bahay." Paliwanag niya. Naramdaman ko ang paglubog ng kuston sa likuran ko. Sa tingin ko, nakaupo si Dy doon ngayon. "Sorry sa ginawa ni Jin."

Dahan-dahan ko siyang nilingon. Nakita ko ang pagiging seryoso ng mukha niya. "W-Wala ka namang kasalanan, eh."

"Pinsan ko 'yon, Em. At 'yong pinsan kong 'yon, muntik ka nang mapagsamantalahan." May tone of worry sa boses niya. Biglang pumalakpak ang puso ko. Nag-aalala siya para sa akin. May chance kaya?

"W-Wala 'yon. Hindi naman natuloy 'yong balak niya eh." Mahina kong sabi habang nakayuko.

"Wala 'yon?! Muntik ka nang ma-rape, Emerald! Tapos sasabihin mong wala 'yon?!" Malakas na sabi niya. Napakagat ako sa labi ko. Nakakatakot siya kapag seryoso at galit, pero hindi ko maiwasan ang hindi matuwa. Nag-aalala siya nang sobra sa akin. May chance nga!

"H-Hayaan mo na lang, Dylan. Ang importante, walang nangyaring pananamantala." Malumanay kong sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bst Frnd (On-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon