Babaeng HARD TO GET

548 11 0
                                    

2 Years Ago....

"EILISH LACSAMANA! BILISAN MO NAMAN!" 

"Oo na. Eto naman masyadong atat?" sigaw niya pabalik at nakikinig ko naman ang pagbuhos ng tubig

Psh. Kaysa batusan ko ang kapatid ko, nanahimik na lang ako. Kahit ano namang sigaw ko, mamaya pa rin yan matatpos maligo. Nagtataka nga ako diyan eh. Wala naman kaming bath tub sa loob ng banyo, pero kung makaligo itong kapatid ko akala mo naman may ibinababad na kung ano.

*bzzt*

FROM: BEBS <3

Same to you.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!"

"Ano namang hinihiyaw hiyaw mo diyan Emerald Lacsamana?" Tanong sakin Eilish na kakalabas pa lang ng banyo. Take note. Nakatapis pa ang lola niyo

"Nagreply na si Kit!"

"What's the big deal bakla?" sabi niya at kumuha ng lotion sa may kabinet

"Bakla! Anniversary namin ngayon ni Kit!" sabi ko at tumalon talon pa sa sobrang tuwa

"An......BAKLA KA! BAKIT DI MO KA AGAD SINABI! BILIS! LIGO NA!" tinulak tulak pa niya ako papasok ng banyo "Bakla! Igihin ang paliligo! Wag amoy suka!" sabi niya at isinara na ang pinto ng banyo

Ihhhhhhh..... Excited na ako >.<

=*=*=*=

"Happy Anniversary bebs!" sabi ko at niyakap siya. Hhhmmm... Ang bango talaga ng bebs ko! Hihi! Emerald, wag malandi!

Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang.

"Emerald please listen............"

*DugDugDugDugDug*

"Emerald, I'm breaking up with you"

I'm breaking up with you

I'm breaking up with you

I'm breaking up with you

"B-Bebs! Di yan magandang biro! Ha-ha!" Hinampas ko pa siya pagkasabi ko noon. Alam kong nagbibiro lang siya. Siguro, inuuto lang ako nito! Ha! Hindi niya ako mauuto! O kaya, baka may anniversary surprise siya sakin mamaya!

"Look Emerald, IM.SERIOUS" at inemphasize niya ang salitang "im serious"

"B-Bebs naman eh! W-wag ka ngang magbiro ng ganyan!"Okay. Inaamin ko, medyo nahuhurt na ako.

"Emerald look. My parents doesn't want you to be my girlfriend. Gusto nila na si Lyka ang maging girl friend ko"

Lyka. Lyka na naman.

"B-Bakit hindi mo ako ipaglaban?" tanong ko sa kanya. I know that I look stupid right now. Nagmamakaawa ako sa isang lalaki. "D-Dahil ba mahirap lang kami? D-Dahil ba galing sa mayamang pamilya si Lyka? Huh? SABIHIN MO KIT! SABIHIN MO!"

"OO EMERALD! Ayaw ng mga magulang na kung sino-sinong tao galing lang diyan sa tabi-tabi ang maka--------------"

*SLAP*

"S-Sabihin mo sa mga magulang mo na hindi p-porket M-MAYAMAN kayo ay ganito na lang kababa ang tingin nila sa mahihirap na k-katulad KO. Mas mabuti ng maging mahirap ako habang buhay kaysa naman makasama ko IKAW at ang MGA MAGULANG MO! Nag k-kapal ng mukha mo" sabi ko at umalis na ako sa lugar na iyon

Siguro, Alam niyo na ang dahilan diba?

Ako si Emerald Lacsamana,

Babeng single, pero mahirap kunin ang tiwala

=*=*=*=

© All Rights Reserved 2014

BabyGee0925

Babaeng HARD TO GETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon