EMERALD
"Guys! Malapit na ang showing ng Talk Back and You're Dead!"
"AAAAHHH!!! TOP!"
"RED!"
HANGGANG DITO BA NAMAN?! Kanina pa yan sa bahay ah! Dahil diyan sa Talk Back chuchu na yan, kinukulit na naman ako ng kapatid ko. Last month, She's Dating The Gangster, tapos ngayon yan naman! Dahil makapal ang mukha ng kapatid ko, ang sabi niya sakin kanina ay "Oy bakla! Galingan mo ang pagtratrabaho, para may pampanood ako ng sine, MWAHAHAHAHA!" Sino ba naman ang hindi masusura? Sarap hambalusin.
"EMERALD!" Isa pa 'to. Umagang-umaga narinig ko kaagad ang pangalan ko.
"Isigaw niyo pa dali" Sarcastic kong sabi sa kanila. At ang mga bruha ay ngumiti naman.
"EMERALD!" -.- Sabi ko nga awat na. Psh. Ingay.
"Kelangan niyo?" Tanong ko sa kanila. Alam ko na ang itsurang 'yan. Sa loob ng 5 years naming pagsasama, kabisado ko na ang facial expressions nila, at sa mukha nila ngayon, masasabi kong may kailangan sila.
"Eeehhh.... Emerald...." sabi ni Keisha na palambing ang boses. Tinaasan ko siya ng kilay, signal 'yon na tapusin na niya ang sasabihin niya. "Uuhhhmm... Hehe... Cza.... Tulong.... Hihi." Tiningnan ko si Cza at ganon din ang mukha niya. Problema ng mga 'to?
Alam kong hindi iimik ang dalawang 'to kaya tumingin ako kay Lian at binigyan ko siya ng sabihin-mo-look. Nagets naman niya
"You come with us!" sabi ni Lian at nagtatalon talon pa
"Saan naman 'yan?" Tanong ko sa kanila. Mahirap na, baka kung saan kami pumunta eh.
"Sa gym! Manunuod tayo ng basketball!" Tapos nagapir silang apat. 'Di naman halatang tuwang-tuwa sila.
"Dali na kasi Emerald!" Keisha. Langhiya 'tong babaeng ito. Isasama pa ako sa kalokohan nila ni Cza. If I know, gusto lang nila makita yung mga basketball players na naka-jersey. In short, mamboboso lang sila.
"A-Y-O-K-O" Tumalikod na ako pero hingit ako ni Cza pabalik.
"Emerald, please...." Tapos nagbeautiful eyes siya sakin. Well, it's not working.
"One word is enough." Tunalikod na ulit ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanila. Pero napatigil din agad ako.
"I heard, maglalaro si KIT ngayon."
"Yeah. Oh! And I saw LYKA earlier, and she's heading towards the gym! I think she's going to watch KIT play!"
"Deserving naman pala si LYKA kay KIT. Ang sweet nila!"
AAAAARRRRGGGHHH!!!
"FINE!" sabi ko at nauna ng maglakad sa gym.
"Sabi ko sa inyo eh." Nakinig ko silang nagtawanan sa likod ko. Lakas ng sapak ng mga 'to.
BINABASA MO ANG
Babaeng HARD TO GET
Teen FictionEmerald Lacsamana. Babeng single. Pero mahirap kunin ang tiwala.