BHTG 2

163 7 0
                                    

EMERALD

Continuation....

"EMERALD?!/LENS?!"

Uh-Oh.

"Kamusta ka na?" sabi niya habang nakangiti ng malaki. Naku! Wala nga dito si Kit, siya naman ang pumalit. Nagbuhusan naman ang kaswertehan ngayon oh!

"A-Ayos lang." Pilit na ngiti Emerald, pilit. "Uhhmm. Una na ako." Aalis na sana ako ng bigla niya ulit akong tawagin.

"Emerald. Ah... ano... ano sana... ahhh... G-Gusto mo ba munang kumain? S-sama ka sa akin." Sabi niya at humawak sa batok niya.

Siya si Lens Matthew Santos. Kita niyo naman siguro sa epilyedo diba? Kung iniisip niyong kapatid siya ni Kit-The-Great-Balasubas, well hindi. Magpinsan LANG naman sila. Kaya ayoko din sa taong ito. May kalahing shokoy eh.

"Next time na lang." sabi ko sa kanya

"Lens tol! Tara na!" Napatingin ako sa may likod niya at nakita ko ang mga katropa niyang tinatawag siya. Tumingin sa kanila si Lens, tapos humarap ulit sakin ng nakangiti. "Owww... sige tol! Nasa WOF lang kami!" Tapos umalis na ulit yung mga kaibigan niya habang nagtatawanan. Seriously? Anong nakakatawa? -.-

"Ahh. Emerald, m-may kasama ka ba?" Taning sakin ni Lens

"Oo. Nasa boutique yung mga kaibigan ko, sige alis na ako."

Aalis na NAMAN sana ako.

"Look who's here"

Plastik. Demonyo. Sirena. Trying hard na maging maganda. In short nandito si Lyka Reyes kasama ang kanyang prinsipeng shokoy.

"Hon, look. Magkasama ang pinsan mo at si Emerald oh. Alam niyo guys, bagay kayo" Tapos tumingin siya samin ng nakakaloka, yung para bang may something. Psh.

Lumapit sakin si Lens. "Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya kayna Kit at Lyka.

"Masama bang MAGDATE?" Tsong, maka-emphasize ng DATE. Akala mo naman kung sino, mukha namang talampakan.

"Pwede na palang magdate ang shokoy at sirena ngayon" Bulong ko. Alam ko namang nakinig ni Lens yung mga sinabi ko kaya medyo napatawa siya.

"Saying something Emerald?" Sabi sakin ni Lyka habang nakataas ang isang kilay. Teh, hindi ka maganda, tandaan mo yan.

"Wala" Tapos tumingin ako kay Kit "Sabi ko, sana magtagal kayo. Best wishes." sabi ko

"Hayy... No need to tell it Emerald, alam ko namang magtatagal kami." Makapal.

"Sana tumagal din ang buhay mo Lyka. Tara na Emerald" Hinigit ako ni Lens palabas. Nakinig ko naman si Lyka na umimik ng "WHAT?!" HAHA!

Babaeng HARD TO GETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon