Chapter 2

2 0 0
                                    

Kay bilis ng panahon, parang kailan lang siya nagising mula sa kanyang mahabang pagtulog, ngayon ay kukuha na siya sa kaniyang TOR sa kanilang paaralan. Kailan lang nga ba iyon?  Wala nga siyang maalala.

Hindi siya ganoon ka pinagpala sa araw na iyon dahil sa maraming nakapila. Kung aalis siya at babalik nalang mamaya tiyak na bukas pa makukuha ang TOR niya. Kahit walang upuan pumila siya.

At heto na naman ang tadhana, pilit pinaglalaruan ang isip at buhay niya.

Isang lalaki ang biglang napadaan sa harap niya. Mukhang nagmamadali ito at hindi yata siya napansin. Bakit kailan kang pansinin? Sigaw ng isip niya.

Diritso lang ito sa paglalakad at saka naglog-in sa record's book mg registrar. Nagawa din niya iyon kanina bago siya pumila dahil kailangan mo muna talagang mag login. So, don't tell me pipila din siya dito? Mahinang tugon niya.

Nakita niya na naglakad ito papalapit sa kanya. Hindi sa nag aassume siya pero saan pa ba ito pipila, siya lang naman ang huli sa linya so natural sa likod niya ito.

Habang papalapit ito, iniwas niya ang kaniyang mga mata baka sabihin pa nitong may gusto siya dito dahil panay ang tingin niya. Ang over mo George purket panay ang tingin may gusto na. Kontra ng isip niya

"Aba, hindin natin alam kung ano ang iniisip ng iba. Mabuti nang maging girlscout tayo,  always ready! " pahayag niya pero sa isip lang baka marinig nang nasa likuran na niya ngayon.

Usad pagong ang pila at hindi niya iyon nagustuhan. Hindi dahil matagal pa siyang pipila sa linya kundi dahil parang may mali sa sarili niya at gusto na niyang matapos at nang makauwi.

Balisa siya na ewan. Words can't explain what she's feeling right now. Paano ba naman kasi ang lalaking nasa likuran niya, kumakanta. Kahit may mga alaala siyang hindi natandaan, alam niya sa kaniyang sarili na minsan na niyang nagustuhan ang kantang iyon.

After the big parade, when all the limelight fades

Maganda pala boses niya!  Hindi niya maiwasang humanga. Hindi kasi lahat gifted eh. Pero ito, parang nasa kaniya na lahat.  Paano mo nasabi? Aba!  Ewan hindi rin niya alam.

I'll be the one to kiss your eyes

Hindi niya maiwasang matouch sa kinanta nito. Iyong boses kasi, no what I mean is iyong kanta kasi parang happy dapat ang emotion doon pero bakit ang pagkanta niya parang bakas ang lungkot. May problema ba ito? Parang siya lang din, marami siyang problema pero hindi niya alam kung ano-ano ang mga iyon. Basta ang alam niya marami siyang problema.

The roar fades in the air like hope from a lover's prayer

Gustong gusto na niyang lingunin ang binata pero hindi niya talaga magawa. Parang may pwersa sa kaniya na kahit gusto niya, hindi maaari dahil MALI. Nakontento nalang siya sa paghuhula ng mga emosyon dito.

The light from my heart begins to rise

Begins to rise? Pero iyong boses niya begins to low. Mukhang maiiyak na. Broken hearted ba ito? Sa dami nang mga posibleng katanungan, iyan pa ang maiisip mo?  Tudyo ng isip niya sa kaniya

Hindi namna siguro masama na kahit ngayon lang maging friendly siya diba. Mukhang kailangan talaga nang comfort ang taong nasa likuran niya. Sasabihin lang niya na Magiging okay lang din 'yan kung ano man yang dinaramdam mo.

Pinihit na niya ang kanyang sarili palikod para sabihin ang mga katagang iyon pero nang eksaktong nagtama ang mga mata nila, nabatid niya sa mga mata nito ang dinaramdam nitong lungkot. Manghuhula na siya, pansin niyo ba?

Iyong nirehearse na sasabihin niya kanina lang ay nawala kaya imbes na may iwiwika dito ay padali-dali niyang inayos ang sarili patalikod dito. It was embarrassing.

And they said I couldn't love you and that it would never last

Dinugtungan nito ang pagkakanta at pakiramdam niya parang pati siya nalulungkot na din. Alam mo iyong feeling na kahit alam mong hindi para sayo pero ramdam mo ang lahat ng emosyon kaya pati ikaw nasasaktan.

He's just a crazy boy just look at his past

Past?  Mahalaga pa ba ang past?  Para sa akin kasi hindi dahil past na naman iyon. Well,  iba iba tayo

And they said I couldn't love you but that was just a lie
I couldn't love you more if I tried

"George Zayn Nesperos?" tawag ng isang babae.  Oh wait?  Pangalan na niya. Hindi na siya lumingon at naglakad na papunta sa tumawag sa kanya.

Mabuti naman at kinuha lang iyong stab na parang certificate at binigay na ang TOR. May iba kasi na marami pang ka ek-ekan na ginagawa bago ibigay. Tssssskkk?   Well,  iyong babae kasi kanina na nasa harapan niya marami pang process na dinaanan bago nabigay ang TOR. Ang masasabi lang talaga niya ngayon ay Connection really helps.
Auntie kasi niya ang President ng school kaya kilala na siya dito. May panibagong tinawag na pangalan ang babae,

"Ariz Montreal?" at saka narinig niya ang lalaking nasa likuran niya kanina na

"Ma'am." It was just a short word in a short time but I feel that I already heard him speak longer than that before." Not the jeep encounter but a real time conversation. Saan nga ba?

Nakita niya na mabilis lang din ang process ng katabi niya. Napansin niyo bang hindi pa siya umaalis?  Paano ba naman, dahil auntie nga niya ang president ng school kaya panay ang kamusta nito sa akin. Tsss,, alam ko na ang galawag iyan. Hindi na iyan bago sa akin. Papa-good shot kumbaga!

Nagpaalam na ako sa babae na umintertain sa akin. TOR nalang kasi ang kulang ko para makapagtrabaho. Oo,  I've just decided na magtrabaho para naman may ginagawa ako.

Habang naglalakad paalis, pansin niyang may naglalakad din sa likuran niya. Aba natural!  Hindi siya ang may-ari ng school kaya hindi pwedeng siya lang ang maglalakad doon.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad niya palabas ng school. Hindi siya nagdala ng sasakyan dahil nawiwili siyang sumakay sa jeep ilang linggo na rin ang nakalipas.

Habang naghihintay ng jeep, may  naghihintay din sa tabi niya. Huwag niyo na itanong alam niyo naman kung sino?

Pinara na niya ang papadaan na sasakyan. Huminto nga ito! Nang makasakay na siya, nakita rin niyang sumakay din ang lalaki at ang espasyo sa jeep ay eksaktong dalawa at magkatabi iyon.

Hindi siya mapakali na ewan, parang kinakabahan siya na ewan. Parang ayaw na niyang matapos ang tagpong iyon! Dahil medyo masikip sa jeep hindi maiwasan na tumama ang balat nito sa kaniya. Parang nag-aawitan na mga ibon ang narinig niya sa kaniyang dibdib!!!!

Be sane George, hindi mo nga kilala ang estrangherong iyan tapos ganyan na ang nararamdaman mo? Litanya niya sa kanyang sarili sa kanyang isipan. 
Iyong bawat pagtama ng balat niya sa balat ko ay parang may dalang milyon-milyong boltahe.

Bago pa man siya umabot sa bahay nila ay pumara na siya. Oo, siya! Dahil hindi na niya ma-take ang kanyang nararamdaman parang sasabog na ewan.

Nang nakasabay niya ito noong isang araw ay hindi naman ganito ang dibdib niya bakit ngayon bigla nalang ganito.

Para siyang tanga na hindi magkandaumayaw sa pagbaba. Pero bago man umalis ang jeep ay sinulyapan niya muna ang binata.

"Sino ka nga ba Ariz Montreal?"
-----------------------------------------------------
A/N: Itutuloy
Lovelots,
JN Sebastian
Miss_Assumingxx

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Next Time We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon