(This time)
"Saan nga ba tayo unang nagkita?" ito iyong kauna-unahang tanong mo sa akin na kailan man siguro hindi ko makakalimutan.
Paano ba kasi imbes na sagutin kita kinain ako ng kaba ko kaya iyon tuloy hindi ako nakaimik. Akala mo tuloy suplada ako. Kung alam mo lang gaano ako nanghinayang sa mga sandaling iyon.
"Oo nga, saan nga ba tayo unang nagkita?" ito iyong mga salitang nais ko sanang sabihin kanina lang pero hindi ko masabi. Pamilyar ka sa akin! Aminado ako pero kahit anong isip at ala ala ang gawin ko bakit hindi ko parin matukoy kung saan kita unang nakita?
Habang nakasakay parin sa jeep, kaharap kita patuloy ko paring hinahanapan ng sagot ang tanong na iyon. Kahit hindi ako obligado na sagutin iyon pero pakiramdam ko kailangan ko talagang mahanap ang sagot. Ewan! Alam mo iyong feeling na hindi ka mapalagay hanggang maaalala mo na.
Hindi ko maiwasang dapuan ng hiya paano ba kasi panay ang tingin mo sa akin o talaga bang assuming lang ako. Pero hindi eh, kung hindi ako ang tinitingnan mo dapat hindi ka ngumingiti sa akin kapag nahuhuli kita.
Lintik naman! Mas lalo mong pinasasakit ang ulo ko! Saan ko nga ba unang nakita ang mukhang iyan? Ang perpektong hugis ng mukha, maninipis na labi, malalantik na pilik mata at ang matatangos mong ilong?
"Miss, pakiabot nga, bayad" sabi ng katabi ko habang inaabot sa akin ang otso pesos niyang pamasahe. Kinuha ko nalang ito pero hindi parin sapat ito upang mawaksi ang laman ng aking isipan.
Tinagurian akong The Campus Genius dahil sa talino ko. Lahat ng exam kaya kong iperfect, lahat ng chapter sa aklat kaya kong irecite lahat sa loob lang ng maikling oras, bigyan mo ako ng mahirap na salita kaya kong bigyan ng kahulugan pero bakit simpleng tanong niya hindi ko alam ang sagot.
Nakikita ko na ang isang bahay na nasa malayo na may kulang pulang bubong at pulang gate. Pinalilibutan ito ng mga bulaklak na kamumukadkad lamang. Senyales ito na malapit na ako sa bahay namin. Hanggang ngayon, nahihiya parin akong pumara sa driver at sabihing dito lang siya. Pang-ilan na nga ba niya itong sakay sa linggong iyon? Mukhang pang lima na nga yata eh?
Bumebwelo na siya ng kaniyang sasabihin sana nang maunahan siya ng isang lalaki. Iyong lalaking kaharap niya!
"Para, dito lang manong" wika nito na nakuha ang kaniyang buong atensiyon.Taga dito din ba ito? Katanungan na hindi niya magawang itanong rito. Magkapitbahay ba sila? Bakit hindi niya ito nakikita rito?
Imbes na bumaba na, hinintay niya munang mauna ang lalaki dahil ito ang pumara. Susunod nalang siya rito. Pero hindi ito tumayo at wala nga yatang balak tumayo bagkus tiningnan at nginitian lang siya nito bago nagwika.
"Baba ka na. Dito ka lang diba? " saad nito na ikinagulat niya. Alam nito? So kilala siya nito? Pero bakit tinanong siya nito kanina kung saan nga ba sila unang nagkita?
Gulong-gulo ang utak niya ngunit nagawa pa rin niyang bumaba sa jeep ng ligtas. Hindi na niya nilingon ang jeep. Naglakad na lamang siya para tahakin na ang daan patungo sa kanilang bahay. Nasa likod iyon ng bahay na may pulang bubong at pulang gate.
"Ma? " wika niya nang nasa pintuan na siya ng kanilang bahay. Bukas naman ito pero wala kasing tao sa sala nila. Nakabukas ang radyo na simbolo na baka nasa kusina lang ito. Rinig na rinig niya ang kanta ni Moira dela Torre na Malaya ang pamagat. Hindi siya sigurado kung Malaya nga ba ang title non, hindi kasi siya mahilig sa music eh.
Nilagay niya ang bag niya sa paborito niyang upuan sa sala nila at saka siya nagtungo sa kusina. Ngayon kasi, tiyak na niyang nasa kusina ang mama niya dahil naaamoy na niya ang mabangong niluluto nito.
Nakatalikod ang mama niya sa kaniya kaya madali niyang nayakap ito. Medyo nagulat nga ito!
"I miss you ma! " panlalambing niya rito na ikinatawa nito.
"Anong nangyari sa iyo? Kung hindi ka nagka amnesia, hindi ka magiging sweet ah. " natatawang sabi ng kaniyang ina.
"Ma naman!"
"Kamusta ang nararamdaman mo? Okay ka lang? Wala bang masakit sa iyo?" tanong nito na may halong pag alala sa mukha
"Okay lang ako ma, ako pa."
Habang nanonood sa kaniyang ina, naalala niya ang lalaking nakasabay niya kanina. Naging Parte ba ito sa nakaraan niya? Mga nakaraan na hindi na niya maalala? Sino ba ito sa buhay niya? Pero mukhang hindi naman yata ito ganoon kahalaga kung naging parte nga ito sa buhay niya. Ika nga nila, kahit nakalimutan man ng isip maaalala pa rin ng puso.
"Ma? Okay lang ba magtanong?" napatingin ang ina niya sa kaniya na nagtataka.
"Oo naman kailangan pabang ipaalam iyan?" natatawang utas nito sa kaniya.
"Sino nga ako ma?" kunwaring hindi na niya matandaan
Nagulat ito sa tanong niya.
"Georgia Nesperos. Anak, mukhang kailangan na nating bumalik sa hospital parang hindi kapa magaling eh." wika nito na ikinatawa niya."Joke lang ma! Alam ko naman ako si George eh. Kahit panglalaki ang pangalan mo ma, love ko parin kayo ni papa"
Hindi naman talaga ito iyong dapat na itanong niya eh, itatanong niya sana kung sino pa ba ang mga taong naging mahalaga sa kaniya dati? Pero nahiya siya sa kaniyang ina bigla.
"Anak, alam kong maraming bumabagabag diyan sa isip mo. Huwag mong pilitin na alalahanin ang lahat, hayaan mong kusang maalala ng isip mo ang mga bagay na minsan mo nang nakalimutan. " medyo may pagkamalalim na wika nito sa kaniya.
Bakit sa tono nito parang sinasabi nito na huwag ko nang hukayin ang isang bigay na minsan ko nang binaon sa limot?
"Ma, anong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong rito.
Umiling lang ito at saka ngumiti ng bahagya. Iyong ngiti na kahit hindi malaki ngunit balot ng emosyon. Lumapit ito sa akin at saka ako masuyong niyakap ng mahigpit.
"Hayaan mo na ang mga bagay-bagay anak. Saka muna alalahanin kapag nandiyan na, sa ngayon habang wala pa, hayaan mong maging masaya ang sarili mo."
Isang tipid na ngiti at tango ang naging tugon niya rito.
A/N: Itutuloy!!!
BINABASA MO ANG
The Next Time We Met
ChickLitTeaser: "You are my beautiful hello but my hardest goodbye, that's why the next time we meet you are just a history of my hardest sorrow. Now, I am finally letting you go". puno ng luha ang mga mata ni Zayn habang sinasambit niya ang mga katagang...